Autumn Pov...
"AhhhHH! Sigaw ko. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil sa takot kalakip ng panginginig ng mga tuhod ko. Isang bangkay ang nahulog sa aking harapan mula sa mataas na gusali.
Kumalat ang dugo nito sa sahig at halos hindi na makilala ang mukha. Lumabas ang utak nito at wasak kaya ganoon na lamang ang aking takot.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nanginginig parin ang aking tuhod. Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin at bumalot ito sa aking katawan na dahilan naman kung bakit nagsitayuan ang aking mga balahibo.
Bumagsak ang aking mga luha napatakip ako sa aking bibig para pigilan at kalmahin ang aking sarili.
"Ngayon ang simula ng pagbabalik ng aming angkan! Hahahahaha!
Nakita ko ang lalakeng biglang lumitaw sa harapan ko. Nakasuot ito ng kulay itim. Nakakatakot ang kanyang hitsura, may dugo ito sa kanyang bibig. Halos mabalot ng ugat ang kanyang mukha at mahahaba rin ang kanyang mga kuko.
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong sa kanya dahil sa takot. Papalapit na siya sa akin kaya napaatras ako. Kumapit ako ng mahigpit sa laylayan ng aking blouse habang nakatingin sa kanya.
"Ituro mo sa akin kung saan nagtatago ang berhing lalake! Kung hindi papatayin kita! sigaw niya sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga na halos hindi ko masikmura sa sobrang baho. Malansa na para ring nabubulok na hindi ko mawari kong ano bang klaseng nilalang siya.
Napapikit ako para hindi ko siya makita.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nanginginig kong sabi.
"Ituro mo sa akin kung nasaan ang berhing lalake! Kundi papatayin kita! Bigla niya akong nileegan dahilan kung bakit hindi ako makahinga.
"Bitawan mo ako! H-hindi a-ako m-makahinga!"
"Papatayin kita! mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg ko kaya nahirapan na ako. Nakita ko ang mahahaba niyang pangil noong tiningala ko siya. Napatiklop ang aking mga kamao gusto ko siyang labanan kaso wala na akong lakas. Sabi ng lola ko kapag nangyari ito ulit sa akin dapat maging malakas at matapang ako kaso paano ko gagawin kung naunahan ako ng takot?
Naramdaman ko ang matulis niyang pangil na bumaon sa aking leeg. Ito na ba ang katapusan ko? Wala na talaga akong lakas para protektahan ang aking sarili. Hindi na ako makahinga, naninikip na rin ang aking dibdib.
"Harapin mo ako! isang malakas na boses ng lalake ang umagaw sa aming pansin. Hindi ko siya makita, hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil unti-unti ng dumidilim ang aking paningin. Wala na akong narinig kundi ang sigaw ng lalakeng iyon.
"Miss gumising ka! Ayos ka lang ba?"
Dinilat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagyugyog sa aking katawan. Unti-unting lumiliwanag ang aking mga paningin. Naaaninag ko ang kanyang labi, napangiti akong bahagya dahil sobrang liit at ang pula. Kasunod naman ang kanyang matangos na ilong, at ang kanyang mga mata na para bang nangungusap sa akin.
"Ayos ka lang ba? tanong niya sa akin.
Tumango ako pero sa totoo lang nanghihina parin ako.
Maya-maya ay may narinig kaming mga paparating na mga sasakyan. Alam kong ang mga pulis na naman.
"Halika tulungan na kita, hindi dapat nila tayo makita. Mahina niyang sabi. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan para makaalis sa lugar na iyon.
Nasa isang iskinita kami ngayon. Pinaupo niya ako at pinasandal sa pader.
"Salamat," sabi ko pero hindi siya sumagot.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...