Chapter 31

76 3 0
                                    

Malapit ng lumubog ang kabilugan ng buwan hindi parin nabubuhay si Gabra. Ganoon na lamang ang galit ni Diego kaya nagwala ito at Ibinalin nito sa akin ang kanyang galit kaya mas lalong nag-alala sa akin si Lola at Lolo.

"Bakit hindi parin nabubuhay ang aking ama?! sagutin mo ako Autumn!"

Napasulyap ako kay Cloud na wala paring malay. Hindi ko matiis na huwag mag-alala sa kanya. Muli kong nilingon si Diego at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Ahahahahaha! hahahahahaha!malakas kong halakhak na talagang naging sukdulan ang galit ni Diego sa akin.

"Bakit ka tumatawa? ha?! sabi niya sabay sakal sa akin ng mahigpit.

"Napakahina ng utak mo Diego!bungad ko sa kanya sabay dura sa mukha niya. Pagkatapos ay hinugot ko ang aking espada at mabilis ko siyang sinaksak at tumama naman ito sa kanyang tagiliran. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lapitan si Patra.

"Tumakas na kayo Patra!" Heraz kailangan niyong iligtas si tito! si lola, lolo at pati na rin ang mga kasamahan natin habang may pagkakataon pa!" tugon ko pagkatapos ay muli akong sumulyap kay Diego.

"Sige Autumn ako na ang bahala sa kanila pero kailangan mong mag-ingat.

"Babalik ako Autumn, hindi kita hahayaang mag-isang haharap sa kanila, ani ni Heraz.

"Kaya ko na ang aking sarili, kumilos na kayo! sigaw ko at inalalayan ko si Cloud para makasakay agad sa kabayo.

"At saan kayo pupunta? walang makakatakas sa inyo! hindi ba kayo nasasabik sa pagbabalik ng aking ama? maya-maya lamang ay mabubuhay na siya!

"Huwag kang pakakasiguro Diego dahil hinding-hindi na mabubuhay ang iyong ama! gusto mo bang malaman kung bakit? dahil hindi na birhen si Cloud! hindi na siya ang birheng lalake! May nangyari na sa amin! Eh ano naman kung siya ang nagdala sa inyo rito sa libingan ni Maharlika? wala ng dahilan para matakot si Cloud na patakan ng pinaghalong dugo namin ang bibig ni Maharlika upang mabuhay ang iyong ama! Isa lamang ang dahilan, hindi na siya birhen!

Hindi ko alam kong ano ang naging reaksyon ni lola, at tito pati ni Heraz dahil nakatalikod ako sa kanila. Napapikit na lamang ako habang hawak ko ang braso ni Cloud. Wala parin itong malay.

"Isa kang hangal! kaya pala napakalakas ng loob mo dahil alam mong hindi na birhen si Cloud! Nilinlang mo ako! Inubos mo ang pasensya ko Autumn!lapastangan ka! malakas niyang sigaw at umungol siya kaya naman biglang nagsulputan ang mga bampirang hayop kaya mas lalong dumami ang kanyang mga angkan.

"Patra umalis na kayo! sigaw ko. At nakita kong isinakay niya ng kabayo si lola. Nakaangkas naman si lolo kay Heraz at si Tito ay angkas si Maharlika.

"Bago paman sila mahabol ng mga bampirang hayop ay pinigilan ko na sila sa pamamagitan ng aking espada.

"Ako ang harapin mo! malakas na sigaw ni Diego kasabay ng pagliyab ng kanyang mga mata na kulay pula. Ang kanyang mukha ay namamaga habang ang kanyang bibig ay umaagos ang sariwang dugo na kasalukuyang kinakain ang laman ng isang bampirang kasamahan ko. Dahil sa nakita kong pagpaslang niya sa angkan ko ay labis akong nagalit kaya naman hinarap ko siya. Binitiwan ko ang aking espada at muli siyang hinarap.

"Ngayon haharapin kitang walang sandata. Bampira sa bampira ng magkaalaman na Diego!

"Sa tingin mo ba malalabanan mo ako? sapat na ba ang pagiging bampira mo para talunin ako? hindi mo alam kong gaano ako kalakas Autumn!

"Napakayabang mo Diego bakit hindi na lang natin subukan? Magtuos tayo!

Lumapit siya sa akin at agad akong sinunggaban at pagkatapos ay mabilis niya akong nilinlang sa pamamagitan ng pag-ikot niya ng mabilis sa paligid ko. Sobrang bilis niya kaya hindi ko alam kong paano siya hulihin para patamaan ng matutulis kong mga kuko.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon