Mula sa upuang de gulong na kinauupuan ko ay tahimik kong pinagmamasdan ang kalangitan. Napapaisip na lang ako kung sino ba talaga ako.
"May pamilya kayang naghihintay sa akin? kung mayroon man nag-aalala kaya sila sa akin? katulad ng nararamdaman ko ngayon nalulungkot din kaya sila??
Napabuntong hininga na lang ako at napatuon ang aking mga mata sa aking paa.
"Paano ako makakasama sa nalalapit na kasal? baka maging pabigat lang ako sa kanila kapag sumama pa ako. Ano kaya kong 'wag na lang akong sumama?
Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot, at para bang may bumubulong sa akin na sumama ako.
"Malalim na ang gabi bakit gising ka parin? napalingon ako sa lalakeng nagsalita.
"Ang lakas ng loob mong tanungin ako ng ganyan, bakit ikaw hindi kapa natutulog? bungad ko sa kanya.
"Binalik mo lang 'yong tanong ko sa'yo. Matulog kana para makapagpahinga 'yang utak mo baka sakaling makatulong para bumalik ang ala-ala mo.
"Alam mo, matagal na tayong magkakilala pero napakasungit mo parin sa akin tsaka ipakita mo nga 'yang mukha mo! pano na lang kung bumalik na ang mga ala-ala ko tapos umalis ako pano kita makikilala kapag nagkita tayong muli?
"Hindi na kailangan, wala ka namang mapapala kung makita mo man ang aking mukha.
"Sus, sabi ng kapatid mo gwapo ka raw kung ganoon ipakita mo nga sa'kin? Hindi lang naman ako nasasabik kung anong hitsura mo kundi nasasabik lang akong makilala kung sino ka talaga.
"Matutulog na ako, bahala kang mag-isa dyan!
"Hoy Shim! samahan mo muna ako rito!" Sigaw ko at bigla na lang siyang nawala.
Nag-iba ang awra ng mukha ko medyo nalungkot ako at ibinalik na lang sa langit ang aking mga mata. Pinanuod ko ang mga bituin habang kumikislap hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
Pinaikot ko na ang gulong ng aking upuan at pumasok na sa loob.
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Kim kaya napasigaw ako.
"Ay bampirang panget! sabi ko.
"Maganda kaya ako ate Nam nakita mo ba si Kuya?
"Umalis siya hindi ko alam kung saan pumunta. Bakit mo hinahanap??
"Ano kasi eh, may sasabihin ako sa kanya.
"Ano ba iyon? Ako na ang magsasabi.
"Ako na lang sige salamat na lang ate Nam, papasok kana ba? tutulungan na kita. Sabi niya sabay ngiti sa akin.
"Sige salamat Kim. Napangiti ako sa kanya habang inaalalayan ako.
Kinabukasan maaga akong nagising, gustong-gusto ko kasi ang hangin kapag umaga. Sinubukan kong tumayo mula sa aking kinauupuan. Dahan-dahan kong ihinakbang ang aking mga paa, akala ko matutumba ako pero iba ang naging dulot nito sa akin.
"N-nakakalakad na ako?" bulong ko. Sinubukan ko ulit na ihakbang ang aking mga paa. Hindi ako nabigo talagang nakakalakad na ako.
Agad kong hinanap sina Shim at Kim. Gusto kong ipaalam sa kanila na nakakalakad na ako. Alam kong matutuwa rin nito si tito.
Pagdating ko sa kusina naningkit ang aking mga mata ng may makita akong isang lalakeng nakaitim. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa...
"Shim i-ikaw ba yan?" gulat kong tanong sa kanya dahil ngayon ko lang siyang nakitang walang suot na sombrero at kitang kita ko ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirosAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...