Autumn Pov***
Para akong natulog at nanaginip lang. Wala akong maalala kundi ang pagsaksak ko ng espada sa aking sarili. Damang-dama ko parin ang dugong umaagos mula sa aking dibdib.
_________ _________
"Mabuti naman at nagising kana apo, kilala mo pa ba ako?
Tumango ako at napangiti. Inabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Lola, sambit ko..pinapasabi ni lolo na dumalaw ka kahit isang gabi sa kanya.
"Naku salamat naman at kilala mo ako, salamat dahil bumalik kana sa dating ikaw.
"Bakit ano po ba ang nangyari?siya nga po pala nasaan si Cloud?nakauwi na ba siya? tanong ko sabay tingin sa mga mata ni lola at pati narin kay tito at Patra.
Nagkatinginan sila at halatang nalungkot sa tanong ko.
"May nangyari bang hindi ko alam? tanong ko ulit.
"Ang mabuti pa magpahinga ka na muna Autumn. Mamaya na tayo mag usap kapag maayos kana talaga. Sabi ni Tito at sinenyasan niya si lola at Patra na lumabas na muna.
"Tama ang tito mo kailangan mo munang magpahinga. Lalabas na muna kami para makapagpahinga ka.
"Lola, sabay hawak sa kanyang baywang at niyakap siya ng mahigpit.
"Magpahinga kana muna lalabas muna ako apo, wika niya at pinakawalan ko na siya mula sa pagkakayakap.
Nung makalabas na sila pakiramdam ko may tinatago sila. Napapaisip na lang ako na baka sakaling may maalala ako.
Naupo ako sa aking kama, napangiwi ako dahil mahapdi pa ang aking dibdib.
Kinapa ko ang aking dibdib para masigurado kong buhay paba ako. Maayos naman at normal ang pagtibok ng aking puso.
Tumayo ako para abutin ang isang basong tubig na nasa ibabaw ng mesa. Hahawakan ko na sana ng bigla itong nabasag.
Lakeng gulat ko dahil nasugatan ako at dumugo ito. Paano naman nangyari iyon? Hahawakan ko pa lang tapos nabasag agad? Nakita ko ang maliit na sugat sa aking palad hanggang sa maya-maya ay unti-unti itong humihilom.
Namangha ako dahil sa nangyari, wala pa ako sa tamang edad para magkaroon ng ganoong kakayanan. Kinuha ko ang kapiraso ng basong nabasag at sinugatan ko ulit ang aking sarili.
Dumugo ito at nakita ko ang hiwa na unti-unting naghihilom.
"Parang may nag iba yata," bulong ko.
Lalabas na sana ako ng may narinig akong boses mula sa labas ng aking silid.
"Ilang gabi ng wala siyang malay. Pero tumitibok parin ang kanyang puso kaya huwag tayong mawalan ng pag asa.
"Patra gawin natin ang lahat, sigurado ka bang lahat ng bala ay natanggal na sa kanyang katawan?
"Sigurado ako Ginoo at naniniwala akong magkakamalay si Cloud.
"Tama manalig lang tayo kilala ko si Cloud hindi siya bibitaw.
"Ano ba talaga ang totoong nangyari? bakit wala akong alam sa mga nangyayari? Sabi ko sa isip at lumabas ako kasabay ng pagkuha ko ng atensyon sa kanila.
"Anong nangyari kay Cloud?tanong ko.
"Autumn kanina kapa bang nandyan?
Tumango ako sa tanong ni Tito.
"Ano pong nangyari kay Cloud?nasaan po siya? Maaari ko ba siyang makita?
Halatang nagkatinginan sila hanggang sa hinawakan ni lola ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...