"Hindi niya dapat malaman na iisa ang kinikilala niyong ina, mas magandang huwag na muna niyang malaman.
"Karapatan niyang malaman ama! kung ayaw niyong sabihin ako na mismo ang magsasabi!
"Huminahon kayong dalawa, baka magising si Autumn at sa palagay niyo ba makakatulong ang pagtatalo niyo?
Rinig na rinig ko ang kanilang pinag uusapan. Oo, nakapikit ang aking mga mata pero gising na gising ako. Nag kunwari lamang akong tulog baka sakaling may malaman ako. Alam kong marami silang tinatago sa akin pero wala silang balak na sabihin.
Hanggang sa paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang salitang binitawan ni tito.
"Hindi niya dapat malaman na iisa ang kinikilala niyong ina, mas magandang huwag na muna niyang malaman.
Anong ibig sabihin na iisa ang kinikilala naming ina? Iyon ang naging tanong sa isipan ko. At nagpatuloy parin ako sa pakikinig sa kanila.
"Mahal ko si Ina at igagalang ko ang naging disisyon niya bago siya namatay. Sasabihin ko ang katotohanan!
"Iisa man ang kinilala niyong ina pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Autumn. Alam kong maiintindihan tayo ni Maharlika. Sabi ni tito at naramdaman kong kinabig niya ang pinto para lumabas ng aking silid.
"Sinabi niyong payag na kayong sabihin sa kanya ang totoo pero bakit parang nagbago na naman ang isip niyo ama? sabi ni Cloud.
Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Isang hudyat iyon para sa akin na ang ibig sabihin ay hindi ako pwedeng umibig kay Cloud. Kung iisa ang aming ina maaaring kami ay magkapatid.
Subalit paano nangyari iyon?paano kami naging magkapatid ni Cloud? kung ganoon iisa ang dugo na dumadaloy sa amin.
Hindi ko matukoy kong ako ay nanghihinayang o nasasaktan. Hindi ko matanggap na kami ay magkapatid. Paano na ang nararamdaman ko sa kanya?Hindi ko na ito pwedeng ipagpatuloy pa.
Medyo kumirot ang aking puso, sumikip ito at pakiramdam ko nasasaktan ako.
Naramdaman ko ang mga kamay na dumampi sa aking pisngi.
"Autumn patawarin mo kami, kapag nalaman mo ang katotohanan tatanggapin namin ang parusa mo para sa amin ng tito mo. Iisa lang ang masasabi ko ginawa namin iyon para sa ikabubuti ng lahat. Mahal na mahal kita apo.
Alam kong umiiyak si lola pero sukdulan na ang galit ko kung bakit hanggang ngayon ay tinatago pa rin nila. Kung may awa at konsensya sila sasabihin nila habang maaga pa. Pero bakit kailangan pang patagalin pa?Gusto ba nila na malaman ko pa sa iba bago nila sabihin sa akin?Gusto kong magalit pero hindi ko kaya dahil mahal ko sila.
Nang makalabas na sila sa loob ng silid ko ay agad naman akong napabangon. Napasandal ako sa ulo ng aking kama at doon umiyak ng umiyak.
Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito? hindi lang pala ako masasaktan dahil sa totoong pagkatao ko kundi pati na rin sa lalakeng itinitibok ng puso ko.
Isinilang ba ako para magdusa?kung ganoon din naman papatayin ko na lang ang sarili ko para matapos na ang lahat.
Para sa isang iglap lang mawala na ang sakit na nararamdaman ko.
Pinahid ko ang aking mga luha at hindi ko pinahalata na umiyak ako at narinig ko ang kanilang pinag usapan.
Lumabas ako ng silid para kumuha ng maiinom.
Kumuha ako ng baso at isang pitsel na tubig. Naupo ako at hinintay kong maligaw sa kusina si Patra.
Mga Isang oras din akong naghintay bago nagawi si Patra sa kusina at ito na ang pagkakataon para magpaalam sa kanya.

BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...