Chapter 2

229 9 0
                                    

Pagbangon ko napaunat ako ng aking mga kamay. Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng aking kwarto.

"Autumn! sigaw ni lola mula sa labas ng aking kwarto.

Himala maaga akong inisturbo ni lola. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Goodmorning lola," bungad ko sa kanya.

"Maligo kana Autumn, bilisan mo.

"Ha? Bakit po? Saan naman tayo pupunta?

"Kailangan nating pumunta sa mansion ng Tito Mac mo. Siya nga pala kapag nasa mansion na tayo huwag kang masyadong magtatanong ha?

"Ano po bang ganap doon?

"Wala. Malalaman mo rin pagdating ng panahon.

"May sekreto na naman si lola na hindi ko alam. Iyon ang nasa utak ko.

Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ng kaunting preparasyon ay sumakay na kami sa magarang sasakyan ng driver ni Tito. Sinundo kasi kami para mas mabilis naming marating ang mansion. Habang nasa gitna kami ng byahe hindi ko maiwasang hindi tumingin sa driver. Napaka cool niyang tingnan at sobrang puti. kung hindi ako nagkakamali baka isa rin siyang bampira.

Huminto ang sasakyan, sumilip ako sa bintana at nakita kong nasa harapan na kami ng malaki at mataas na tarangkahan ng mansion. Pangalawang punta ko pa lang ngayon. Bata pa ako ng huling dumalaw kami rito.

Nakakakilabot naman ang lugar na ito, lumang- luma na ang pintura ng mansion at napapaligiran pa ng matatayog at malalaking puno. Ganu'n paman ay maganda at kaaya-aya paring tingnan kahit may kalumaan na.

Bumaba na kami nang sasakyan.Napakalamig ng hangin kaya napapayakap na lang ako sa aking sarili. Nilibot ko ang aking mga mata hanggang sa napadpad ito sa pangatlong palapag. Doon may nakita akong isang lalake na nakadungaw sa bintana. Hindi ko siya maaninag dahil may kataasan at malayo na rin.

"Autumn halika na. Yaya sa akin ni lola kaya napatingin naman ako sa kanyang dako.

"Lola, bukod po ba kay tito Mac may iba pa siyang kasama rito sa mansion? Interesado kong tanong.

"Bakit mo naman natanong?

"May nakita po kasi akong lalake sa bandang 'yon. Sabay turo ko sa way kung saan ko nakita ang lalake na bigla na lang nawala.

"Hindi ko pa pala nabanggit sa'yo Autumn. Halika sa loob para masagot ang mga katanungan mo.

Kinalabit ako ni lola pero sa totoo lang kahit na dugong bampira ako kinikilabutan parin ako.

Pagpasok namin sa main door bigla na lang lumabas ang isang babae. May kaputian na rin ang buhok  pero hindi pa naman kulubot ang balat at mukhang bata pa. Yun nga lang mapagkakamalan mong may edad na dahil sa kulay ng buhok at mahaba pa ito.

"Pasok kayo senyora, naghihintay sa loob ang inyong anak. Magalang nitong sabi at napatingin ito sa akin.

"Siya na ba ang anak ni Min? Ang ibig kong sabihin siya naba ang anak ni Maharlika?

Nakita kong pinangdilatan ni lola ang babaeng may kaputian na ang buhok.

"Aba, kaygandang dalaga. Siguradong magugustuhan siya ng alaga ko kung magkataon."

"Alagang pusa? Hayop? Baka? Kabayo? Alin po ba sa mga nabanggit ko? Tanong ko.

Nakita kong tumawa siya sa joke ko.

"Kalimutan mo na Autumn. Halika sabayan mo kami ng lola mo.

"Ang weird ng matandang ito, bampira rin kaya siya? Tanong ko sa aking isip.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon