Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at bahagya kong inilibot sa buong paligid. Napatuon sa isang nilalang ang aking mga mata pero hindi ko pa maaninag ang kanyang mukha dahil medyo malabo pa ang aking mga paningin. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at naghanap ako ng tyempo para makaipon ng lakas.
"Ina gising na siya!"
"Salamat naman kung ganu'n.
Tinig ng babae at lalake ang aking narinig kaya muli kong idinilat ang aking mga mata. At doon ko nakita ang isang lalake maputi siya at ngumiti siya sa akin, sa kanyang ngiti nag-iwan ang bakas ng dimples sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. Nilipat ko naman ang aking paningin sa babaeng katabi niya, maganda siya kahit na may edad na.
"S-sino kayo? tanong ko.
"Autumn mabuti naman at gising kana kamusta ang iyong pakiramdam? Hindi ko akalain na buhay ka pa pala, sabi na nga ba hindi ako nagkamali. Salamat naman."
Nagtaka ako sa sinabi niya lalong-lalo na nang banggitin niya ang pangalang Autumn.
"Autumn salamat dahil bumalik ka labis akong nangulila sa pagkawala mo at ngayon napakasaya kong malaman na buhay ka. Wika naman ng lalake. Mas lalo akong naguluhan hanggang sa naalala ko ang lalakeng nakabanggaan ko. Ang kanyang mukha at kung paano niya ako titigan. Sumakit bigla ang ulo ko hanggang sa napaungol ako at napabaluktot sa aking higaan.
"Ahhhhhhhh! ang ulo ko! ang sakit ng ulo ko!" mga salitang lumabas sa aking lalamunan na halos hindi ko na alam ang aking gagawin sa sobrang sakit.
May naalala akong kapiranggot kung paano kami nagsimulang magkita ng lalakeng nakabanggaan ko. Ang unang tagpo namin noong niligtas niya ako naalala kong may nahulog na bangkay sa harapan ko, noong mga oras na iyon ay niligtas niya ako sa kamay ni Diego, dinala ko rin siya sa aking silid at inalagaan. Yung purselas niya naaalala kona. Masaya rin kami noon habang nasa iisa kaming payong habang umuulan, At yung unang halik niya sa akin, unang gabing may nangyari sa amin at yung singsing at sumpaan namin. Lahat ng iyon ay biglang pumasok sa aking isipan. Napaiyak na lamang ako at napahagulhol pagkatapos kong maalala ang lahat. At hindi lang iyon halos madurog ang aking puso dahil ang lalakeng pinakamamahal ko ay ikakasal na sa iba. Bakit kay Scarlet pa?bakit?
Tumayo ako at biglang tumakbo palabas ng bahay. Gusto kong sumigaw ng malakas, gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"Autumn! alam kong sinusundan ako ni Heraz pero wala na akong pakialam. Hanggang sa naabutan niya ako at kanyang niyakap patalikod.
"Bumalik na ang mga ala-ala ko Heraz! naaalala ko na ang lahat! pero bakit? bakit ngayon pa?napakasakit Heraz!" Hagulhol kong wika sa kanya.
"Autumn patawarin mo ako kung wala akong nagawa para pigilan sila." Pakiusap kumalma ka, nahihirapan akong makita kang nasasaktan."
Mahigpit ang pagkayakap ni Heraz sa akin hindi niya ako pinakawalan hanggang hindi ako kumalma.
"Sana hindi na lang bumalik ang mga ala-ala ko!!Heraz, sana hindi na bumalik kong ganito lang ang mararamdaman ko." Hindi na lang sana bumalik kung ganito lang kasakit ang dulot nila sa akin!"
"Gusto mo bang pumunta sa kasal ni Cloud at Scarlet? gusto mo bang pigilan ang kasal nila??
"Hindi, hindi ko sila pipigilan. Kung iyon ang magpapasaya kay Cloud hahayaan kong makasal siya sa babaeng gusto niyang pakasalan tutal naman wala na ang singsing namin wala ng dahilan para manatili pa ako sa piling niya."
"Sigurado kaba?
"Samahan mo na lang ako dito Heraz, pakiusap kailangan kita ngayon. Kailangan ko ng kausap para ibuhos ang sama ng nararamdaman ko. Gusto ko ng makakausap dahil kapag iniwan mo akong mag-isa baka mabaliw ako, baka masiraan na ako ng bait!
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...