Autumn Pov.....
Gusto kong sumigaw! gusto kong kumalas mula sa pagkakahawak ni Diegong panget. Nagtago kami sa pinakamataas na puno at mabilis niyang tinakpan ang aking bibig.
Gusto kong marinig ni Cloud ang boses ko. Alam ko kasing hinahanap niya ako at nag aalala siya saken. Kaso medyo nalungkot ako dahil kasama niya na naman si Scarlet ng makita ko sila.
Hindi na ako kumalas at hindi na rin ako naglaban pa. Kaya sabi ko kay Diego bahala ka kung isasama mo ako sa walang kwenta mong kaharian. Natuwa siya at sinabing huwag akong aalis dahil haharapin niya sina Cloud at Scarlet. Iniwan niya ako at pinuntahan ang dalawa.
Nanatili ako sa itaas at sinubukang kalmahin ang aking sarili. Lilipat sana ako ng pwesto kaso mali ang nakapitan kong sanga kaya nadulas ang paa ko buti na lang at nakahawak ako sa medyo matibay-tibay na bahagi.
Nakalambitin na ako, 'yung dalawa kong paa pilit na inaabot ang pinaka matibay na sanga. Sabi ko kaya ko ito, ano pa ang silbi ng pagiging bampira ko kung lampa naman ako.
Hindi ko na kaya, nangangawit na ang kamay ko. Nanginginig na rin ang magkabila kong braso.
Tumingin akong bahagya sa ibaba, napapikit ako at napalunok.
Kapag minamalas nga naman biglang umihip ang malakas na hangin kaya natakot ako at napasigaw. Kasabay noon ang muntikan na akong makabitaw sa sangang kinakapitan ko.
"Tulong! sigaw ko.
"Autumn sabihin mo kung nasaan kayo! Alam kung ikaw 'yan! sigaw naman ni Cloud.
"Cloud tulungan mo ako! hindi ko na kaya! mahuhulog na ako!sigaw ko at nakita ako ni Cloud.
"Kumapit ka lang Autumn! sabi niya at hinarap niyang muli si Diego. Nakakaasar lang dahil hindi man lang niya ako pinupuntahan para tulungan. Hindi ko alam kung ayos lang ba sa kanyang mapahamak ako.
"Hindi ko na kaya mahuhulog na ako! sabi ko pa.
Wala siyang sagot sa sinabi ko kaya naiinis na ako! siguro mas importante talaga sa kanya si Scarlet sa bagay mas kailangan niyang tulungan si Scarlet dahil hawak siya ni Diego.
Hindi ko na talaga kaya kahit pilitin ko man pero nadudulas na ang kamay ko sa sanga. Masakit na ang mga daliri ko.
"Tulong! ahhhhhhhhh! sigaw ko.
Kasabay noon ang pagbagsak ko paibaba.
Nakapikit lang ako. Bakit? bakit ganoon? wala man lang akong naramdan na sakit? Patay naba ako? nagkalasog lasog ba ang katawan ko? Hindi! ayaw ko pang mamatay! sabi ko sa aking isip.
"Ayos ka lang ba?
Bumalik ang aking diwa ng marinig ko ang boses. Boses na pamilyar sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at si Cloud ang aking nakita.
Natulala ako at hindi nakapagsalita habang nakatitig sa kanya.
Mga ilang minuto lang ay tumango na lang ako. Sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"Akala ko patay na ako! akala ko nagkalasog lasog na ang katawan ko, naluluha kong sabi.
"Natakot kaba? natatakot ka bang mamatay? tanong niya sa akin.
Muli ko siyang tiningnan sa mga mata, umiling na lang ako at pinunas ko ang isang butil na luha sa gilid ng aking mata.
"Wala pa ba kayong balak na umuwi? sabi ni Scarlet na papalapit sa amin.
Binaba na ako ni Cloud dahil kanina pa pala niya akong karga karga. Yung bang pangkasal na karga.
"Napakalampa namang bampira, dapat sa susunod ayusin mo huwag kang umarte na mahina ka!
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...