Cloud Pov...
"Ito ang aking point of view, gusto ko kasing iflashback ang nangyari kaya sana pagbigyan niyo na ako.
__________ _________
Dahil malapit ng sumapit ang kabilugan ng buwan ay tahimik akong lumabas ng aking silid.
Magkatapat lang ang silid namin ni Autumn kaya makikita ko kung nakabukas o nakasara ang pinto ng kanyang silid.
Napansin kong nakabukas ito kaya tahimik akong lumapit at sinilip ang loob.
Laking gulat ko ng makita kong kinakausap siya ng aking ama habang nasa tagiliran niya naman sina lola at Patra.
Alam ko ang ginagawa nila, kaya naman agad akong pumasok at pinigilan sila.
"Itigil niyo 'yan! sigaw ko pero nagpatuloy parin si ama. Agad naman akong pinalabas ni lola at kinausap sa labas ng silid.
"Cloud hayaan mong gawin iyon ng iyong ama, iyon lamang ang natatanging paraan para hindi niya malaman ang katutuhanan.
"Alin ba? ang i-hypnotize siya?bakit ano ba ang hindi dapat malaman ni Autumn? na iisa ang kinikilala naming ina?
"Itikom mo 'yang bibig mo Cloud! pagalit na sabi ni lola pero nagpatuloy parin ako.
"Hindi pa panahon para malaman niya ang katutuhanan. Hindi niya dapat malaman kung saan nakalibing si Maharlika. Dahil kung magkataon ay baka puntahan niya ito at baka masundan pa siya ng mga angkan ni Gabra. Kailangan nating tunguhin ngayong gabi ang libingan ng hindi nalalaman ni Autumn kaya nagpasya kaming ihypnotized siya at patulugin para magsagawa ng isang ritwal para paalisin ang mga masasamang espirito.
"Kung ganoon dugo parin ba namin ni Scarlet ang paghahaluin?
"Ganoon na nga, mabisa rin naman ang dugo ni Scarlet at sapat na iyon Cloud.
Hindi na ako umimik, sinilip ko si Autumn na nakahiga na ngayon sa kanyang kama. Mahimbing na siyang natutulog..
Lumabas na rin sina ama at Patra.
"Kailangan na nating magsimulang lakbayin ang libingan. Bago pa sumapit ang kabilugan ng buwan at bago pa tayo maabutan ng liwanag na galing sa buwan.
"Paano si Autumn? iiwan lang ba natin siyang mag isa rito? tanong ko.
Tumango si ama at tumalikod na ito sa akin. Sumunod naman sa kanya sina lola at Patra. Pagbaba ko nakita ko si Scarlet nakasuot itong kulay puting kasuotan.
Ngumiti siya sa akin kasabay noon ang paghawak niya sa aking bisig.
Hinila niya ako palabas ng mansion at doon ko nakita ang mga puting kabayo na gagamitin namin sa paglalakbay.
"Cloud iisa lang ang gagamitin nating kabayo. Alam ko namang magaling ka kaya ako na lang ang aangkas sa'yo. Mahina niyang sabi.
Tumingin ako sa pwesto ni ama na kakasakay lang ng kabayo at si lola naman at Patra. Sineniyasan niya akong sumakay dahil kailangan na naming magmadali.
Umangkas na ako sa kabayo at hinintay na sumakay si Scarlet.
"Hindi mo ba ako tutulungang makasakay? mahina niyang sabi.
Inabot ko ang kanyang kamay at maingat na inalalayan siyang maka angkas.
"Humawak ka sa aking baywang dahil bibilisan ko ang pagpapatakbo ng kabayo.
Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na walang paligoyligoy pa ay pinulupot na sa aking baywang.
Naalala ko si Autumn sana ligtas siya sa mansion kahit na mag isa lang siya roon.

BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...