"Cloud mabuti naman at nagkita tayo, may gusto akong sabihin sa'yo.
"Kung ano man iyon sabihin mo na.
"Masaya akong muling nabuhay si tita Maharlika, pagkakataon na nating maikasal gaya ng sinabi niya kay ina.
"Scarlet hindi totoong gusto tayong ipakasal ni ina dahil ang totoo kagustuhan iyon ng iyong ina. Wag ka ng umasa pa kaya itigil mo na!"
"Hindi! umasa ako Cloud na tayo ang magkakatuluyan!
"Nakikita mo ba itong singsing na suot ko? kasal na kami ni Autumn, asawa ko na siya at wala ng makakapagpahiwalay pa sa amin!
"Hindi totoo 'yan Cloud! ako dapat ang pakasalan mo! kung nabubuhay pa si ina hindi siya papayag na gawin mo iyan sa akin, at isa pa hindi niya gusto na saktan mo ako ng ganito.
"Patawad Scarlet pero mahal ko si Autumn. Ginawa ko naman ang lahat para protektahan ka simula bata pa tayo pero hindi ko kayang ibigay sa'yo ang pagmamahal na katulad kay Autumn.
Isang malakas na sampal ang dumampi sa kaliwang pisngi ni Cloud.
"Hindi ako papayag! hindi ako papayag! hindi kayo magiging masaya!hinding-hindi! sabay takbo habang umiiyak.
"Scarlet! Scarlet!
"Cloud anong nangyayari?Tanong ko habang papalapit sa kanya.
"Mag-iingat ka Autumn dahil hindi natin alam kong ano ang pwedeng gawin ni Scarlet. Ayaw kitang mapahamak kaya 'wag kang mawawala sa tabi ko.
Tumango naman ako sa sinabi niya pero hindi ako mapalagay kong ano ang pinag usapan nila ni Scarlet.
Hinawakan niya ako sa kamay at pumasok na kami sa loob ng mansion.
"Magpahinga kana muna sa iyong silid may gagawin lang ako. Sabay halik sa noo ko. Pumasok na ako sa loob ng aking silid, naupo ako sa aking kama at napaisip ngunit nagambala iyon dahil nakarinig ako mula sa labas ng bintana ng aking silid, isang malakas na boses ng lalake habang binabanggit ang pangalan ko.
Sumilip ako sa bintana at doon ko nakita si Heraz.
"Heraz! sigaw ko habang kumakaway sa kanya. Napangiti naman siya at sinenyasan niya akong bumaba para puntahan siya.
Agad akong lumabas ng aking silid at tinungo ang kinaroroonan ni Heraz.
"Anong hangin ang bumulong sa'yo upang maparito ka ha Heraz? bungad ko sa kanya pero natutuwa akong makita siyang muli.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin bago mo itanong iyan sa akin?
"Wag na, dito na lang tayo sa labas para makalanghap na rin tayo ng sariwang hangin.
"Sige kung iyan ang nais mo, siya nga pala may ibabalita ako sa'yo kaya naparito ako.
"Maupo muna tayo roon bago mo umpisahan.
Naupo kami sa isang mahabang upuan na yari sa kahoy. At doon nagsimula ng magkwento si Heraz.
"Sabi ni ina mahalaga ang kanyang sasabihin sa'yo kaya bago sumapit ang hating gabi kailangan niyong magkita sa kubo. O kaya susunduin na lang kita sa malaking kamagong para makasigurong ligtas ka at walang makasunod sa'yo.
"Tungkol ba ito sa pangitaing nakita ni Patra?
"Oo kaya sana huwag kang mawawala.
"Sige magkita tayo sa dulo malapit sa malaking kamagong.
"Kailangan ko ng umalis para ipaabot ito kay ina.
Tumango ako at sabay kaming napatayo mula sa kinauupuan. Nang maghihiwalay na kami may napansin akong babae na nakatingin sa amin ngunit bigla itong nawala. Hindi ko siya namukhaan kaya hindi ko na lang pinansin at hindi ko na rin binanggit kay Heraz.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...