Chapter 30

64 5 0
                                    

Kabilugan na ng buwan at nararamdaman kong magaganap na naman ang  ritwal para kay Maharlika.

Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang buwan.

Maya-maya ay may narinig akong yabag ng mga kabayo kaya napatayo ako.

Nilingon ko sa di kalayuan ang humintong kabayo hanggang sa may isa pang huminto at kasunod noon ay ang pagbaba nila sa kanilang kabayo.

"Autumn! Autumn! hangos na hangos na lumapit sa akin si Heraz kaya nakaramdam ako ng kakaiba.

"Bakit Heraz? bakit naparito kayo ni Patra? tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa pero kailangan ka namin! wika ni Heraz.

"Bakit ano bang nangyari?

"Nasundan kami ng kampon ni Diego, nasa libingan ng iyong inang Maharlika si Diego at ang mga bampirang hayop. Hawak nila si Senyora pati si Ginoong Mac, mabuti na lamang ay nakatakas ako kaya agad akong humingi ng tulong kay Heraz. Si Cloud ang tulay nila para matunton ang libingan ni Maharlika, hindi namin inaasahan na minamanmanan na pala kami ng mga bampirang masasama. Ubod ng kasamaan 'yang Diego na 'yan!

Nag-alala ako noong marinig ko iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na magmadali.

"Kailangan na nating umalis!walang dapat na mangyaring masama sa kanila! sigaw ko.

"Sasama ako! sigaw naman ni lolo.

"lo, mapanganib kaya dumito kana muna.

"Hindi ako mapalagay apo kaya sasama ako kahit anong mangyari.

"Kung ganoon kailangan na nating umalis! sigaw ko.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras kaya naman mabilis naming tinungo ang libingan ni Maharlika.

Pagdating namin nakita kong pupugutan na sana ng ulo si Cloud. Hatak siya ni Diego kaya nagmadali ako para mapigilan sila.

"Ito na ang huling katanungan ko! kung hindi niyo sasabihin pupugutan ko ng ulo ang lalakeng birhen na ito! sino ang anak ng dakila!?

"Ako! sigaw ko na kakarating lang habang nakasakay parin sa aking kabayo. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat.

"Apo bakit mo sinabi iyon?manganganib ang buhay mo! pag-aalalang tugon ni lolo.

"Lo, hayaan niyong gawin ko ito. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng lahat. Kaya ipaubaya niyo na ito sa akin.

"Hahahaha! aking binibini, masyado mo akong sinurpresa. Kung ikaw nga ang anak ng dakila halika lumapit ka sa akin.

"Huwag! 'wag kang lalapit sa kanya! pakiusap 'wag kang susunod sa utos niya Autumn!hayaan mo na akong pugutan ng ulo!

Napatingin lang ako kay Cloud pero hindi ko siya pinakinggan.

"Ako ang anak ni Min at Summer! ako ang anak ng dakilang pumatay kay Gabra! Ako ang susi para mabuhay ang demonyo mong ama! At ako rin ang susi para mamatay kayong lahat! tama ba ako ha Diego?"

Alam kong nagulat si lola, si Patra at pati si tito Mac sa sinabi ko. Dahil alam ko na ang katotohanan, ito ang matagal na nilang itinago noon sa akin. Pati si Cloud ay nagulat rin.

"Tama ka nga mahal kong binibini, kailangan ko ang iyong dugo at ang dugo ng birheng lalakeng ito! matagal ko ng alam na hindi ka dugong bampira! Kaya nga nahahalimuyakan ako sa dugo mo aking binibini."

"Maayos akong kausap Diego, kung gusto mong buhayin ang iyong ama pwes sumunod ka sa ibibigay kong kasunduan! sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabihin mo dahil maayos naman akong kausap!

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon