Kinikilig parin ako sa nangyari sa amin kanina ni Cloud. Nakahiga na ako ngayon sa aking kama.
Hindi ako mapakali kaya lumabas muna ako para magpahangin.
Madilim na ang buong paligid, tapos na ang kabilugan ng buwan.
Napasandal ako sa rehas ng terasa namin habang naka cross arm.
Napapikit ako para langhapin ang bawat hangin na humahampas sa akin.
Hanggang sa may narinig akong isang kaluskos na nagmumula sa gilid ng rehas.
"Sino ka?! sigaw ko.
"Hindi kaba makatulog? boses ni Cloud ang aking narinig kaya nasiyahan ako.
"Hindi eh, ikaw bakit gising kapa?
"Hindi rin ako makatulog. Gusto mo bang samahan ako?
"Saan naman?
Tumayo siya at lumapit sa akin. Magkaharap na kami hanggang sa may naalala ako. Kinuha ko ang kamay niya at isinuot ang pulseras.
"Naiwan mo 'yan noong dinala kita sa aking silid para gamutin. Kaya isasauli ko na ang pulseras mo.
"Salamat matagal kong hinanap ito, mahalaga ito sa akin.
"Walang anuman, siya nga pala saan tayo pupunta?
"Gusto lang kitang ipakilala sa aking pinakamamahal kong babae.
Medyo napangunot ako dahil sa sinabi niya.
"Baka gusto mo sabihin mo lang, para naman makilala mo na ang aking ina.
Ah ina pala, akala ko bukod kay Scarlet meron pa siya. Naliwanagan ang isip ko kaya pumayag ako.
Nakita kong tumalon siya paibaba kaya nagulat ako.
"Tumalon ka Autumn!
"Ayaw ko! hindi ko kaya!gagamitin ko na lang ang hagdan.
"Magtiwala ka lang ako ang bahala sayo!
"Sigurado ka?
"Oo naman.
Tumayo ako sa labas ng rehas at ihahakbang ko na sana ang aking mga paa kaso nagdadalawang isip ako.
"Natatakot talaga ako!"
"Kaya mo 'yan! sasaluhin naman kita!
Wala ng paligoy ligoy pa tumalon na ako basta narinig ko 'yong sasaluhin hahahaha.
Hayon ligtas naman ako dahil sinalo niya ako.
"Wag kang magpahalata na aalis tayo, hintayin mo ako dyan kukuha lang ako ng kabayo.
Tumango ako at hinintay siya. Mga ilang sandali ay nakita ko na siyang nakaangkas sa kabayo habang papalapit sa akin.
"Tayo na, sabay abot sa akin ng kanyang kamay.
Inabot ko naman, sa unang pagkakataon ito ang unang beses na mahawakan ko ang kanyang kamay.
Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Inalalayan niya akong makasakay at ng makasakay na ako bigla niyang hinila ang aking dalawang kamay at nilagay niya sa kanyang baywang.
"Kumapit ka ng mahigpit Autumn. Mahina niyang sabi. Ako naman tumango lang habang napapangiti.
"Alam kong unang beses mong sumakay sa kabayo tama ba?
"Tama ka nga, masaya ako dahil ikaw ang kasama ko. Alam kong lagi akong ligtas kapag ikaw ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...