Nakasuot ako ngayon ng pure black kaya mas lalong lumabas ang aking kaputian.
Gusto ko lang mag insayo, matagal ko ng hindi ginagawa ito magmula noong mag college ako.
Gusto ko lang gawin ito para rin sa aking sarili, para maproteksyunan ko naman ang aking sarili. Hindi ko nagawa ito dati dahil sa takot, takot na kapag nilabanan ko sila mas lalo silang magalit sa akin.
Nalungkot ako noong maalala ko ang nakaraan ko noong high school ako.
FLASHBACK****
Nagising na lang akong nasa harapan ng maraming studyante. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay dahil sa lubid na nakatali sa magkabila kong kamay.
Masaya silang pinagbabato ako ng kung anu-anong bagay.
Hindi rin sila nakuntento nilagyan nila ng mga bawang ang katawan ko at ang iba naman ay binabato ako.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang habang nakagapos sa isang silya at pinagtatawanan ng mga studyanteng walang ibang magawa kundi ang gawing miserable ang buhay ko.
Ang masakit pa sa ginawa nila ay ang buhusan ako ng gasolina sa katawan. Wala akong magawa noon kundi ang umiyak at mag makaawang huwag nilang sindihan ang posporong hawak nila. Akala ko katapusan ko na dahil kung hindi dumating ang adviser at ang lola ko maaaring wala na ako ngayon.
END OF FLASHBACK...
Napakasakit ng kanilang ginawa, halos hindi ko makalimutan ang pangyayaring iyon. Yun din ang dahilan kung bakit lumipat ako ng eskwelahan.
Pasalamat ako dahil tinanggap nila ako, kung ano ako kaya nakapagtapos ako ng high school.
Pero ngayong kolehiyo na ako para bang bumabalik ang kahapon. Kaya kailangan ko ng lumaban at hinding hindi na ako mag papaapi sa kanila. Ipaglalaban ko kung ano ako at ipapakita ko sa kanila na mali sila ng husga sa akin lalong lalo na sa pamilya ko.
Hinigpitan ko ang paghawak sa aking pana. Nakatutok lang ang aking mga mata sa malaking puno na plano kong patamaan.
Hindi ko alam pero matapos kong patamaan ng palaso ang puno ay bigla na lang akong napaluhod.
Tumulo ang aking mga luha..
"Gusto ko ng maging malaya!sawang-sawa na ako! ayaw ko na! sigaw ko pero hindi ganoon kalakas. Tumingala ako sa langit at sumigaw ako ulit.
"Hanggang kailan ako magtitiis?Hanggang kailan magiging mesirable ang buhay ko?
Bumuhos ang malakas na ulan, unti-unti ng nababasa ang aking mukha pero hindi parin ako umaalis sa aking pwesto. Nakaluhod lang ako habang nakatingala at umiiyak.
Biglang lumakas ang simoy ng hangin, nakita ko ang pagliparan ng mga dahon at unti-unti itong nagiging isang maliit na ipo-ipo. Papalapit ng papalapit ito sa akin hanggang sa makita kong nakatayo na sa harapan ko si Cloud.
"Tumayo ka dyan. Sabi niya sabay abot ng kanyang kamay.
Hindi ko siya pinansin at napayuko ako.
"Tskk! Iyon lang ang narinig ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? tanong ko.
"Kanina pa ako rito, habang pinagmamasdan kita.
"Sinusundan mo ba ako?
"Hindi 'wag kang maarte dyan halika na, sabay hawak sa kamay ko pero tinulak ko siya.
"Pabayaan mo na lang ako! Huwag kang mag panggap na may pakialam ka sakin! sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampiroAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...