Heraz POV
Ito ang unang pagkakataong makapagpaliwanag ako. At masabi ko kung ano talaga ang papel ko sa buhay ni Autumn at bilang isang mabuting bampira.
________ ________
Napakalungkot ko dahil hanggang ngayon hindi pa namin mahanap si Autumn. Wala na ang kanyang kabayo, dahil napatunayang may lason ang dalawang palasong tumama sa kanyang paa at likuran.
"Patawad Cloud kung naging duwag ako! pero hindi ako nagsisinungaling kitang-kita kong hinulog niya si Autumn sa bangin. Ngunit ang masaklap hindi ko nakilala ang babaeng may gawa noon sa kanya. Nakatalikod siya at may takip ang buo niyang katawan. Narinig kong may lason ang palasong nakabaon sa braso niya kaya malabo ng makaligtas pa si Autumn." paliwanag ng isang bampira.
"Hindi! hindi ako naniniwala!kung sinasabi mong wala na si Autumn tulad ni Brio pwes nagkakamali ka! Buhay pa si Autumn at hindi ako papayag na mawala siya!
Kitang kita ko ang pagwawala ni Cloud, kahit man ako hindi ko matanggap ang nangyari.
"Kasalanan ko ang lahat! kung hindi ko sana siya niyaya na makipagkita sa kanya noong gabing iyon sana walang nangyaring masama sa kanya.
Napatuon ang aking paningin kay Lola at pati na rin kay Lolo na sobrang lungkot at hindi mapawi ang mga luhang lumalabas sa kanilang mga mata.
"Hahanapin ko si Autumn!biglang sigaw ni Cloud.
"Ilang araw na ang nakalipas anak, tanggapin nating wala na siya.
"Hindi ako naniniwalang wala na siya ama! hanggat hindi ko nakikita ang katawan niya hindi ako susuko!"
"Anak pakiusap, tanggapin na natin, wala na tayong magagawa, masakit din sa akin at hindi madali iyon pero wala na tayong magagawa, sabi naman ni tita Maharlika.
"Hindi! kahit kailan hindi ko tatanggapin na wala na ang babaeng pinakamamahal ko!
At bigla na siyang tumakbo na kahit pigilan namin ay wala na rin kaming magawa.
Si Autumn ang kaisa-isang babaeng kumuha ng atensyon ko. Ang babaeng nagturo sa akin kung paano tumibok ang puso ko. Siya rin ang dahilan kong bakit masaya ako at kapag kasama ko siya iba ang nararamdaman ko.
Halos madurog ang puso ko noong malaman ko ang nangyari. Kaya naman isinumpa ko sa aking sarili na sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa noon kay Autumn ay papatayin ko.
Nasa harapan ako ngayon ng puntod ni Min at Sum. Hinaplos ko ang kanilang puntod at doon bumuhos ang aking mga luha.
"Patawarin niyo ako, kasalanan ko ang lahat. Ako na lang sana!kung parurusahan niyo ako tatanggapin ko."
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na 'wag umiyak, halos maabutan ako ng umaga sa puntod nila para humingi ng tawad.
Bumalik ako sa kubo at doon ko naabutan si ina. Sinalubong naman ako ng yakap ni ina dahil alam niyang nasasaktan ako sa nangyari. Pati siya ay hindi kayang tanggapin ang nangyari.
"Heraz anak, kailangan nating maging matatag. Lalo na ikaw, hindi matutuwa si Autumn kapag ganyan ka.
"Aalamin ko kung sino ang babaeng iyon! hindi ako susuko ina.
"Tutulungan kita Heraz, syempre hindi ako papayag na hindi niya pagbabayaran ang ginawa niya kay Autumn.
"Dapat lang ina dahil papatayin ko siya! galit kong wika.
Ilang araw na ang lumipas, muli kong pinuntahan ang lugar kung saang bangin hinulog si Autumn.
Nakatayo lang ako at nakatuon lang ang aking paningin sa ibaba. Sobrang taas ng bangin at malakas ang tubig na umaagos.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...