Chapter 44

187 3 0
                                    

Autumn pov..

Nasa harapan na kami ng tarangkahan, tahimik akong nakaupo habang nasa loob ng karawahe. Narinig ko ang boses ni tito habang si Kim naman ay nakatitig lamang sa aking mga mata.

"Ate Nam mamimiss po kita, kapag may oras ka dalawin mo naman kami sa aming tahanan. malungkot na wika ni Kim. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya.

"Syempre naman Kim lagi kitang dadalawin gusto kong magpakabait ka sa iyong ama at lalung-lalo na sa kuya mo.

Habang nag-uusap kami ni Kim ay sumabad naman sa aming usapan si tito.

"Nasa loob na tayo ng mansion. Ihanda mo na ang iyong sarili Autumn dahil maya-maya ay lalabas na sina Mac at Maharlika.

Dahil sa aking narinig napapikit ako habang niyayapos ni Kim ang balikat ko upang pakalmahin ako. Malakas ang kabog sa dibdib ko at hindi ko mapigilan iyon kahit na anong gawin ko.

"Lukas aking kaibigan mabuti naman at nandito kana. Siya nga pala ano ba ang surpresa mo sa amin ni Maharlika?

Alam kong boses ni tito Mac ang narinig ko. Napalunok agad ako at pinakawalan ang malalim na paghangos.

"Nasaan ang iyong anak? mukha yatang hindi ko siya nakikita? Tanong naman ni tito Lukas.

"Nandito ako bakit hinahanap mo ako? may kailangan kaba sa akin?

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Alam kong nagiging abnormal ang pagtibok ng aking puso tuwing naririnig ko ang boses ng lalakeng iyon.

"Ate Nam sino ang lalakeng nagsalita? gusto ko ng lumabas at makita kong sino ang mga kausap ni ama.

Napasulyap ako kay Kim at tumango sa kanya.

"Sige Kim hayaan mong dumito muna ako dahil pakiramdam ko hindi pa ako handa. Mahina kong sabi at lumabas na si Kim. Pero bago siya lumabas ay pinalakas niya ang aking loob.

"Ate Nam kaya mo 'yan. Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito na ang tamang panahon para magkita kayo.

"Salamat Kim. Sagot ko at ngumiti ako. Lumabas na siya habang ako naman ay hinanda na ang sarili.

"Ama! narinig kong sabi ni Kim.

"Siya naba ang anak mo Lukas?

"Ahh oo siya nga ang aking anak, siya si Kim Nam ang bunso kong anak.

"Hello po tito! hello po tita!" Hello din sa'yo kuya Cloud." masayang bati sa kanya ni Kim.

"Kilala mo ako?

"Opo, totoo ngang napakagwapo niyo sa personal.

"Hahaha! mahilig kang mangbola Kim Nam. Tama ba ang aking tinawag sa'yong pangalan? ikaw din maganda kang bata.

"Salamat po kuya Cloud pero sa tingin ko matutuwa ka sa babaeng ipapakilala ko sa'yo. Alam kong mas higit siyang maganda kaysa sa mga babaeng nakita at nakilala mo.

Medyo napakunot ang nuo ko sa sinabi ni Kim. Napakadaldal talaga ng batang 'yon. Sa kabila ng kanyang pagbibiro eh, natuwa naman ako.

"Siya nga pala mas mabuting sa loob na natin ipagpatuloy ang pag-uusap. Kung ano man ang surpresa mo sa amin ni Maharlika ay mas mabuting sa loob mo na lang sabihin.

"Kung ano man ang surpresa mo sa amin ng aking asawa ay nasasabik na akong malaman iyon Lukas. Sabad naman ni Maharlika dahil kilala ko na rin ang kanyang boses.

"Ama pumayag na po kayo dahil ako na po ang bahala. Susunod na lang po ako sa inyo dahil hihintayin ko pa si kuya.

Mukhang nakuha naman ni tito Lukas ang ibig sabihin ni Kim kaya pumayag na ito.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon