Chapter 17

98 5 1
                                    

Isang malakas na ungol ang pumakawala mula sa loob ng kweba kung saan naninirahan ang mga bampirang itim.

Para silang mga alien greys na malalaki ang ulo, malaki rin ang mata, ang pinagkaiba nga lang ay walang digestive system or sex organ at hindi rin nagsasalita dahil wala silang vocal chords. Samantala ang mga bampirang hayop ay may sex organ at meron din silang digestive system kaya kumakain sila ng mga tao, ang kanilang mga katawan ay may nakakatakot at nakakapandiri na para bang nabubulok na bangkay.

"Panahon na para pakainin ko kayo! hahaha! Napakagaling talaga ng aking ama dahil nilikha niya kayo! Ito na ang pinakahihintay kong mangyari!ubusin niyo ang mga tao at wala kayong ititira! Ngayong kilala ko na kung sino siya hindi na tayo mahihirapan pa! hahaha! dalhin niyo sa akin ang birheng lalake pati ang babaeng si Autumn!

Mga ungol lang ang sinagot sa kanya ng mga bampirang hayop at pagkatapos ay mabilis silang lumabas ng kweba at nagpalipat lipat sa matataas na puno.

Sa kabilang dako naman ay agad namang bumalik ng kubo si Heraz dalawang gabi ang kanyang palilipasin bago siya bumalik ng mansion.

"Napakatahimik ng paligid, sana nakauwi ng ligtas si Heraz. Bukas mag-isa na naman akong papasok baka pagkaisahan na naman ako ng mga studyante. Nahiga ako sa aking kama hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan hinatid ako ni manong driver at pagdating ko sa school may nasagap akong balita.

Panibagong balita na alam kong damay na naman ako pati ang pamilya ko.

"Autumn isa ka sa pinaghihinalaan nila, sabi sa akin ni kuyang guard.

"Po? bakit ano po bang nangyari?

"Natagpuang patay at walang lamang loob ang dalawang guard na nakaduty sa may exit ng library. Naereport agad sa mga pulis ang nangyari at ang sabi gawa daw iyon ng isang bampira. Hindi ko lang sure pero isa ka sa mga suspek.

"Ano?!" pa-paano nangyari iyon?wala naman silang ebidensyang makakapagpatunay."

Biglang napatikom ang aking mga kamao. Gusto kong manuntok at sabunutan ang nagsabi noon.

"Autumn kailangang magtago ka at 'wag kana lang magpakita sa mga pulis.

"Wala akong kasalanan kaya haharapin ko sila! Papatunayan kong wala akong kinalaman sa nangyari.

"Oy! dalian niyo nandyan na ang mamamatay tao! sigaw ng isang babae noong makita ako.

"Waahhhhh! nakakatakot naman siya! sigaw naman ng isa sabay takbo papalayo.

"Si Autumn nasa may gate!umatras kayo! bilisan niyo! sabi ng isang lalake.

"Nandyan na naman ang bampirang si Autumn, dalian niyo baka patayin niya tayo! Iyon ang huli kong narinig.

Nangyayari na naman ang kinatatakutan ko, ito na naman ang simula ng buhay kong magulo.

Napayakap ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko napakasama ko dahil sa mga salitang binabato nila sa akin.

Nanatili lang akong nakatayo sa may gate. Hindi ako umalis, hindi ako nagsalita bagkos hinayaan ko lang silang katakutan ako.

Si kuyang guard nag aalala na sa akin, gustuhin niya man akong tulungan kaso wala siyang magawa.

Hanggang sa unti-unting pumatak ang ulan. Nangitim ang langit, kumulog at kumidlat.

Bumagsak ang malakas na ulan pero hindi parin ako umalis sa pwesto ko.

Pakiramdam ko wala ng kalayaan ang buhay ko. Kung ito na naman ang simula wala na akong magagawa dahil ito na ang kapalaran ko.

Hindi ako umiyak, iwan ko ba pero ayaw talagang pumatak ng mga luha ko.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon