Kabilugan ng Buwan
Dahil kabilugan na ng buwan hindi ko na nakita si Shim. Kaya naisipan kong maglibot muna. Hindi paman ako nakakarating sa pintuan ay sumulpot na sa harapan ko si Kim. Labis ang aking pagkagulat sa kanyang ginawa.
"Ate Nam! banggit niya sa pangalan ko na aking ikinagulat.
"Bampirang panget! sabi ko.
"Maganda kaya ako", siya nga pala saan ka pupunta?
"Gusto ko lang maglibang nababagot kasi ako.
"Ahhh mas mabuti pang samahan mo na lang ako ate Nam para hindi ka mabagot. Tsaka maya maya aalis na kayo papunta sa mansion.
"Maya-maya pa naman 'yon kaya sige pagbibigyan kita, saan ba tayo pupunta?
"Halika, hinila niya ako at bigla na lang kaming nagteleport. Maya-maya ay nakita kong nasa silid niya na ako.
"Charan! may ipapakita ako sa'yo kaya maupo ka muna dyan at hintayin mo ako. Mahina niyang sabi sabay kindat sa'kin.
"Ang dami mong alam Kim ano na naman bang kalokohan to??
"Basta! hintayin mo ako dyan. Pahabol niyang wika at bigla na lang siyang naglaho. Hinintay ko naman siya hanggang sa makabalik siya.
"Sayang wala si Kuya Shim hindi niya makikita kong gaano ka kaganda mamaya. Sabi niya na bigla na lang sumulpot sa likuran ko. Napalundag naman ako sa gulat.
"Ikaw yata ang papatay sa akin Kim lagi kana lang nanggugulat.
"Ganu'n talaga ako ate Nam nasanay na ako tsaka para excited haha!
"Teka ano bang dala mong 'yan??
"Syempre yung susuotin mo mamaya, alam kong magugustuhan mo 'to. Sabay ladlad ng damit na kanyang tinahi.
"Wow!" sobrang ganda naman niyan Kim grabe. Hahawakan ko na sana ng bigla niyang nilayo sa akin.
"Hep! hep! bawal mong hawakan at bawal mong sukatin. Alam ko namang kasyang-kasya 'to sa'yo at babagay kaya mamaya mo na lang hawakan kapag isusuot mo na, gusto ko kasing maexcite ka at gusto ko pati ikaw masurprise sa kagandahan.
"Pasaway ka talaga ang dame mong arte.
"Syempre gusto ko ikaw ang pinakamaganda sa kasal na 'yon at gusto ko sa'yo-sa'yo ang atensyon ng lahat.
"Gusto ko lang makilala yung ikakasal pero hindi ko sinabing makipag sabayan sa susuotin nila. Masaya na ako sa simple lang kaya hindi ko 'yan susuotin.
"Hindi pwede! gusto ko ito ang isuot mo at hindi ako papayag na babaliwalain mo lang ang ginawa ko. Babantayan talaga kita mamaya at hindi na kita palalabasin dito sa kwarto ko. Sabi niya sabay taas ng kilay.
"Oo na sige na susuotin ko na 'yan 'wag ka ng magalit.
"Magpahinga kana muna ate Nam pero dito ka lang sa kwarto ko mahirap na baka hindi kana magpakita sa'kin mamaya.
"Ikaw talagang bata ka magkaibang-magkaiba kayo ng kuya mo.
"16 na ako kaya dalaga na ako at hindi na ako bata. Eh ikaw ate Nam ilang taon kana ba?
"Hindi ko alam eh.
"Ay wala ka pa lang maalala sige na nga hindi na ako magtatanong sa'yo. Basta magpahinga kana tapos ako naman kukuha ako ng mga gagamitin natin hintayin mo ako dito. Bye!
"Sandali lang Kim! pahabol kong sabi sa kanya pero naglaho na siya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ate Nam! bungad niya sa akin kaya nagulat na naman ako.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...