Sumapit na ang kabilugan ng buwan. Abala si Diego dahil plano niyang sakupin ang mga tao.
Muli niyang pinalaya ang mga bampirang hayop.
Hindi ako mapalagay sa maaaring mangyari. Alam kong natatakam na si Autumn sa dugo at laman ng tao.
Wala na rin akong magawa para pigilan sila. Naririnig ko na ang malalakas na ungol. Nakakapangilabot ang buong paligid at nabalot ng malakas na hangin.
Maya-maya ay biglang nawala ang mga ungol at tumahimik ang paligid. Malamang nakaalis na sila kasama ang babaeng mahal ko.
Nag-aalala ako kaya hindi ko na alam kong ano ang aking gagawin.
Bumalik ang aking diwa ng makarinig ako ng ingay. Isang ingay na nagbubukas ng tarangkahan.
Napatuon ang aking paningin sa pintuan habang dahan-dahan itong bumubukas.
"Cloud, isang boses ng lalake. At bigla niya akong kinalagan gamit ang susi.
"Ama," sambit ko at nagulat ako kung paano siya nakarating dito.
"Wala na sila, halika aalalayan na kita. Kailangan nating makaalis dito habang wala pa sila.
"Si Heraz?
"Pinuntahan na siya ni Scarlet kaya huwag ka ng mag-alala sa kaibigan mo. Humawak ka sa akin at kailangan na nating magmadali.
"Inalalayan ako ni ama hanggang sa dinala niya ako sa isang lugar kung saan naroroon si Patra at lola. Hinihintay na lang namin na makalabas sina Heraz at Scarlet.
"Kailangan ko silang pigilan ama, hindi ako papayag na maging katulad nila si Autumn.
"Huwag kang magpadalos-dalos mas mabuting pag isipan muna natin. Nandyan na pala sila sumakay kana ng kabayo ng makaalis na tayo.
Bago paman ako makasakay ng kabayo ay agad naman akong sinalubong ng yakap ni Scarlet.
"Cloud ayos ka lang ba? tanong niya habang nakayakap sa akin.
"Ayos lang ako Scarlet.
Humiwalay siya sa pagkayakap at hinaplos niya ang aking mukha.
"Hindi ako mapalagay ng malaman ko ang nangyari sa'yo. Nag-alala ako ng husto sa'yo kaya masaya ako na makita kang muli Cloud.
"Salamat Scarlet, mahina kong wika.
"Ang mabuti pa umalis na tayo rito. Scarlet, Cloud sumakay na kayo!
Tumango na lang ako sa sinabi ni ama. Nakita kong mahina parin si Heraz at hindi siya nagsasalita. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumakay ng kabayo.
Maliwanag ang buong paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Kitang-kita ang daan na aming tinatahak.
Pagdating namin sa mansion mabilis kaming sinalubong ng mga bampirang kasamahan namin.
Humahangos pa ang mga ito bago nagsalita.
"Ginoo! mabuti naman at nandito na kayo! wika ng isang bampira na sinasalubong kami sa tarangkahan.
"Bakit may nangyari ba?
"Kumalat ang mga bampirang hayop at unti-unti na silang naghahasik ng lagim! Ang iba naman ay nagkalat ang kanilang mga katawan sa daan. At ang iba ay ginawang masasamang bampira! Ginoo kailangan nating pigilan sila."
Nagkatinginan kaming lahat bago iyon pumasok muna kami sa loob ng mansion.
Naghilom na rin ang mga sugat ko at ganoon din kay Heraz.
Makinig kayong lahat! tulad ng dati kailangan niyong bantayan ang bawat sulok ng lugar na ito!Paslangin ninyo ang mga angkan ni Gabra. Huwag ninyong hahayaang maubos nila ang mga tao! At huwag kayong papayag na pati ang angkan natin ay maubos nila!
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...