Narating namin ang mansion, nanibago ako kahit ilang araw akong nawala. Napakatahimik na tila ba walang nakatira.
Nasa tapat na kami ngayon ng malaking tarangkahan hanggang sa nagbukas ito para makapasok kami.
Automatic kasi kaya kahit walang bampira sa loob bubukas ang tarangkahan syempre bubukas lang para sa mga bampirang pinagkakatiwalaan namin.
Hila-hila ni Heraz ang kabayo habang hawak nito ang lubid. Ako naman ay nauna ng kaunti sa kanya.
"Mukhang marami ang ipinagbago ng mansion mula noong huli kong punta rito, mahina niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya.
"Labas pasok na rito ang kampon ni Gabra lalong lalo na ang kanyang anak na si Diego. Kaya nga hindi na ako mapalagay kapag naririto ako.
"Kailangan niyong mag ingat lalong lalo sa Diegong iyon. Kung masama ang kanyang ama nakakasiguro akong mas masama siya.
"Salamat sa paalala, halika sumunod ka sa akin.
Naglalakad kami ngayon papunta sa kulungan ng mga kabayo. Namangha si Heraz ng makita niya ang kulay itim na kabayo. Kakaiba kasi ito kumpara sa mga ibang nakakulong.
"Iyan ang paborito kong kabayo, siya si Brio. Kapag nalulungkot ako siya ang kinakausap ko at pakiramdam ko naiintindihan niya ako.
"Mabuti pa si Brio may kausap na mabait at magandang babae. Sabay ngiti sa akin.
Napangiti na rin ako sa kanya bilang ganti. Iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya sa tingin ko mas gusto ko siyang kausap kaysa kay Cloud. Kahit papano napapangiti niya ako.
"Ang mabuti pa dumiritso na tayo sa kusina ng magawan kita ng mainit na kape. At para makapagpahinga ka na rin.
"Sige para malasahan ko naman kung paano ka magtimpla ng kape.
Magkasabay kaming pumasok sa isang pintuan papunta sa kusina may daan kasi roon kapag galing ka sa kulungan ng mga kabayo.
Pagdating namin sa kusina saktong naroroon si Patra. At si lola habang nag uusap. Masaya silang nakita kami ni Heraz.
"Autumn mabuti naman at nakabalik kana. Kamusta ang lagay mo? pag-alala nitong tanong.
"Maayos na maayos na po ako lola, sa katunayan po magaling mag alaga itong si Heraz, masaya kong sagot at napatingin ako kay Heraz na hindi mapawi ang ngiti sa kanyang labi.
"Naku panibagong pag ibig na naman ang nakikita ko, pagbibiro ni Patra sabay hawak sa braso ni Heraz.
"Ano hong ibig mong sabihin Patra?
"Iba kasi ang nararamdaman ko Heraz, ang mabuti pa maupo na kayo ng maipaghanda ko kayo ng makakain.
"Patra nauuna na naman iyang iniisip mo, sige na ipaghanda mo na sila ng makakain.
"Sige ho senyora, sagot ni Patra at umalis na ito.
Nang kami na lang na tatlo ang natira ay hinawakan ni lola ang kamay namin ni Heraz.
"Heraz salamat dahil inalagaan mo si Autumn, pwede ba kitang pagkatiwalaan bilang isang taga bantay niya? Natatakot kasi ako dahil anumang oras baka muling magpakita sa kanya si Diego.
"Lola, huwag mo na pong abalahin pa si Heraz, kaya ko naman po ang sarili ko.
"Huwag ho kayong mag alala Lola, ako na ho ang bahala kay Autumn at makakaasa ho kayo na lagi siyang ligtas sa tabi ko.
"Salamat Heraz hindi ako nagkamali sa'yo. At ikaw apo 'wag ka ng sumuway pa usapan namin ni Heraz.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Wala na akong magagawa basta si lola na ang nagdesisyon.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...