Chapter 32

71 6 2
                                    

Babangon na sana ako ng bigla niya akong patungan kaya napasigaw ako.

"Ano kaba Cloud ginulat mo naman ako."

"Gawin natin ulit?

"Anong gagawin ulit? hindi kaba napapagod?

"Hindi gusto ko pa nabitin ako. Haha! sabay kiss sa nuo ko.

"Manigas ka, bumangon kana dyan dahil kailangan ko pang paliguan si Brio.

"Mamaya na si Brio, may araw pa oh baka masunog ka."

"Walang araw, sabi ko at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Tatlong dampi at itinulak ko na siya para makabangon ako.

Tinungo ko kung saan nakakulong si Brio para paliguan ito.

"Hi Brio, pasensya kana kung natagalan ako. Halika ka at paliliguan kita.

Tumalon naman si Brio bilang response.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng mga kamay na pumulupot mula sa aking baywang papunta sa aking pusod. Medyo nakiliti rin ako ng maramdaman ko rin ang init ng kanyang hininga sa aking tainga.

"Cloud baka makita tayo ni tito, lalo na ni lola."

"Mamaya na kasi si Brio."

Humarap ako sa kanya at pinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg.

"Pwes matuto kang maghintay, sabay kindat sa kanya.

"Lalo akong nasasabik sa'yo Autumn. Dibale kapag kasal na tayo araw -arawin natin. Ilan ba  gusto mong anak?

"Isa lang.

"Bakit isa lang? gagawa tayo ng maraming Cloud at maraming Autumn na mga paslit diba?

Natawa ako sa sinabi niya kaya naman napalo ko siya sa braso pero mahina lang.

"Palakpakan! aba! mukhang masaya kayong dalawa dyan."

Napatingin kami sa babaeng nagsalita si Scarlet pala habang papalapit sa amin. Humiwalay ako kay Cloud at itinuon ko sa kanya ang aking atensyon.

"Anong ginagawa mo rito?bungad na tanong ni Cloud.

"Balak ko sanang yayain kang mamasyal kaso naunahan na ako ng babaeng iyan! dibale na lang sa susunod na mga araw na lang.

"Wala ng susunod na araw, huwag ka ng umasa Scarlet.

"At bakit? pagtataray niya.

"Dahil akin lang siya! sabay hila ko kay Cloud at hinawakan ko ang kanyang braso.

"Aba't! hoy Autumn! wala kang karapatang angkinin si Cloud dahil bata pa lamang kami nakatakda na kaming ikasal!

"Ahh! ganoon? sabi ko at tiningnan ko siya ng nakakaluko. Bigla kong hinalikan si Cloud sa labi habang nakatingin lang siya sa amin. Naramdaman ko rin na sumabay sa mga halik ko si Cloud at inenjoy na lang namin iyon na parang wala sa harapan namin si Scarlet.

"Ahhhh! mga bwesit! sigaw niya at sabay alis.

"Edi nagwagi ako," akala niya hindi ko siya papatulan? Hindi ako papayag na maagaw ka niya sa akin. Narinig mo ba ako Cloud?

"Hindi rin ako papayag na mapunta sa kanya, gusto ko sa'yo lang ako. Sabay ngiti at ginantihan ko rin siya ng malawak na ngiti.

Matapos kong paliguan si Brio naligo na rin ako. Pagkaligo ko nagpahinga na ako. Mga dalawang oras din akong nasa loob ng aking silid bago ako nakarinig ng isang malakas na katok.

"Pasok! sabi ko. At doon bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Patra.

"Autumn kailangan kitang makausap.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon