Autumn pov...
Mahigit sampong gabi bago ko naisipang bumalik sa mansion.
Masaya akong nakita si lolo at salamat naman kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Nakahanda na ang aming dadalhin pabalik ng mansion.
Bago ako sumakay kay Brio nagpaalam muna ako kay lolo.
"Mag iingat ka apo, matatagalan na naman bago kita makitang muli. Sa palagay ko nag-aalala na ang iyong lola. Ipaabot mo sa kanya na dumalaw dito kahit isang gabi lang.
"Sige po lolo, hayaan niyo pong masabi ko iyon sa kanya. Kayo po ang mag-iingat ha?"
"Ako paba apo malakas parin ang lolo mo. Kita mong hindi parin kumukupas ang kakisigan ko at hindi nawawala ang lakas at tapang ko sa pakikipaglaban. Kaya mahal na mahal ako ng lola mo at hindi lang iyon napaka gandang lalake pa ng lolo mo.
"Naku si lolo talaga mapag biro pa rin. Pero naniniwala ako na ikaw ang pinaka magandang lalakeng nakilala ko. Sana huwag po kayong magbabago at si lola parin ang natatanging babae dyan sa puso mo, sabay ngiti sa kanya.
Nakita kong itinaas niya ang kanyang kanang kamay akala ko mag wi-wave na siya sa akin para magpaalam. 'Yun pala nanunumpa siya.
"Ikaw ba apo wala pang nagugustuhan? kung mayroon man ipakilala mo agad sa akin ng mahatulan ko agad.
"Lolo naman sa palagay niyo po ba mayroo na? kung mayroon man po sige ipapakilala ko sa inyo.
"Hahaha! sino ba naman ang hindi magkakagusto sa'yo apo, sa ganda mong iyan. Siya nga pala magmadali na kayo ng makarating kayo ng maaga-aga sa mansion.
"Sige po lolo tutuloy na po kami ni Heraz. Sabi ko at niyakap ko na siya ng mahigpit. Napansin ko rin na sinenyasan niya si Heraz na lumapit sa amin.
"Heraz ikaw na ang bahala sa apo ko, ingatan mo iyan ha?
"Makakaasa ho kayo ginoo, iingatan ko si Autumn tulad ng pag-iingat niyo sa kanya.
Tinapik siya ni lolo sa balikat at ngumiti lang ito.
"Tayo na Autumn, pagyaya ni Heraz at umangkas na siya kay Brio. Inabot niya ang kanyang kamay para alalayan akong makasakay.
Nang makasakay na ako nag paalam na ako kay lolo at ganoon din si Heraz.
"Mukhang hindi ka yata masaya na babalik ng mansion?paggambala niya sa katahimikan ko.
"Nalulungkot lang ako dahil matatagalan na naman bago ko makita si lolo. Sagot ko sa kanya.
"Hayaan mo sasamahan kita kung kailan mo gustong dalawin siya.
"Salamat Heraz, sabay ngiti sa kanya.
Nang nasa kasagsagan na kami ng paglalakbay napansin kong tahimik rin si Heraz. Hindi niya ako kinakausap kaya naman naisipan ko munang yayain siyang magpahinga muna.
"Sa bandang doon ay may malapit na batis. Wika ko sa kanya.
"Ano naman ang gagawin natin sa batis?
"Baka kasi nauuhaw kana kaya uminom muna tayo.
"Diba may baon naman tayong tubig kaya hindi na natin kailangan pang pumunta ng batis para uminom.
"Ah eh kasi kanina ko pa naubos ang tubig na baon natin. Napakamot ako sa aking batok dahil nahihiya ako. Nilagok ko kasi ang tubig noong nauuhaw ako naubos ko ng pakunti-kunti.
"Kaya naman pala, sige ayos lang sa akin. Kung ganoon ituro mo sa akin ang daan papunta sa batis.
At iyon nga nakarating kami sa batis. Napakaganda ng daloy ng tubig. Kahit medyo madilim na ang paligid kitang-kita parin ang kinang ng tubig.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...