Chapter 14

100 6 0
                                    

Cloud Pov***

Ilang araw ng wala si Autumn kaya bigyan niyo ako ulit ng panahong ilahad ko ang tunay kong nararamdaman.

________ ________

Nag-aalala na kami dahil dalawang gabi ng wala si Autumn simula noong nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.

Minsan naligaw sa amin si Scarlet at tinanong ko kung nakita niya si Autumn pero ang sabi niya hindi niya raw ito nakita.

Kinausap ko rin si Renz dahil isa ito sa kaibigan ni Autumn pero hindi nito alam at hindi pa sila nagkausap mula noong hinatid niya si Autumn sa gate.

Naisip kong baka nagpalipas lang ng sama ng loob pero hindi sapat ang dalawang gabi para hindi siya umuwi.

Nag aalala na ako sa kanya kaya hinalughog ko ang buong kagubatan dahil napansin kong kulang ng isang kabayo.

Nagmadali ako at tinungo kong saan naroroon ang kubo ni Heraz. Pagdating ko roon sobrang tahimik kaya nagtaka ako na baka hindi naman nagawi si Autumn.

Sumakay ako ulit sa kabayo at nagtangkang lisanin ang kubo ng biglang may narinig akong mga yabag ng mga paa.

Doon ko nakita ang kabayo namin, angkas si Heraz.

Bumaba ako ng kabayo at lumapit kay Heraz.

"Wag kang magsisinungaling alam kong nandito si Autumn.

"Mabuti naman at narito ka kaibigan kong Cloud. Halika sumunod ka sa akin.

Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa kubo at nagulat ako sa aking nakita.

Si Autumn tulog na tulog siya. Napakaganda niya talaga, napaka inosente ng kanyang mukha. Subalit nagtaka ako kung bakit may mga bakas ng kalmot sa kanyang kamay at braso.

Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Ano ang nangyari sa kanya? pag alala kong tanong.

"Natagpuan ko siyang walang malay habang nakasakay siya sa kanyang kabayo. Mag-isa niyang hinarap ang mga bampirang sumalakay sa kanya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagkakamalay kaya nag-aalala na rin ako sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang mukha, naawa ako sa kalagayan niya.

"Kasalanan namin ito, kailan ba matatapos ang lahat ng paghihirap niya?

Tinapik ako sa braso ni Heraz kaya napatingin ako sa kanya.

Alam kong hindi mo asawa si Autumn kahit na hindi mo sabihin sa akin. Alam kong nag aalala ka sa kanya, Cloud nararamdan kong gusto mo siya ayaw mo lang aminin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"Iuuwi ko na siya Heraz.

"Subukan mong pakialaman siya baka masira pa ang pagkakaibigan natin! Kung gusto mo siyang gumaling hahayaan mong manatili siya rito. Bakit hindi mo hayaang humilom muna ang kanyang mga sugat bago mo kunin si Autumn.

Natigilan ako dahil tama naman siya.

"May tiwala ako sa'yo Heraz, mangako kang wala kang gagalawin sa kanya kundi ang alagaan lang siya.

"Bakit iniisip mo bang may masama akong balak sa kanya?kilala mo ako Cloud diba?

Kung ganoon babalik ako ng mansion para ibalita ang kalagayan niya. Alam kong nag aalala na sila kay Autumn. Babalik ako Heraz, babalik ako para kunin siya.

Bago ako umalis tinitigan ko muna ang mukha ni Autumn.

"Babalik ako, alagaan mo siya ng mabuti.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon