"Napaka ganda niyo pala Mara. Bungad ko sa kanya pagkalabas niya pa lang ng banyo.
"Salamat Autumn sa papuri, kung tutuusin mas maganda sa akin ang iyong ina na si Min. Kung nabubuhay lang sana siya matutuwa siya kapag nakita ka. Kuhang-kuha mo ang hugis ng kanyang mukha, ang iyong ilong, labi at kung paano kang ngumiti.
"Hayaan mo Mara isipin mo na lang na ako si ina, sabi ko na may kasamang ngiti.
Nakuha naman ni Heraz ang aming atensyon habang abala kami sa pag-uusap dahil bigla na lang itong lumitaw sa harapan namin.
"Mukha yatang nagkasundo kayo ni ina, bago ko makalimutan ipinagtimpla ko kayo ng mainit na kape. At nilapag niya sa lamesa ang dalawang tasa ng kape.
Amoy na amoy ko ang halimuyak ng mainit na kape kaya napapikit ako at siningot ang mabangong kape.
"Ito ang paborito kong kape, sa palagay ko kapag natikman ito ng iyong ina magugustuhan niya ang lasa.
"Bata pa lang si Heraz gawain niya na ang ipagtimpla ako ng kape. Madalas niya akong ipagtimpla noon kapag nag-uusap kami. Lalo na kapag malamig ang panahon.
"Totoo iyon Autumn, naalala ko ang mga panahong masaya kami ni ina. Kaya noong nagkahiwalay kami nagagawa ko na lang iyon kay Min at Summer.
"Salamat Heraz, sa mga panahong kasama mo ang aking mga magulang masasabi kong maswerte sila dahil nagkaroon sila ng katulad mong mabait at mapagmahal. Kung kaya ko sanang ibalik ang panahon mas nanaisin kong makasama silang muli. Wika ko at hinigop ko ang mainit na kape.
"Maupo ka anak, tumabi ka kay Autumn. Sabi niya habang nakangiti.
Naupo naman si Heraz sa tabi ko. Sa katunayan komportable ako sa kanya kaya hindi na ako naiilang sa kanya.
"Kung tutuusin bagay kayong dalawa, masaya akong naging magkaibigan kayo at sana kahit anong mangyari walang magbabago sa inyo.
"Makakaasa kayo ina, ako yata ang pinakapoging lalake na tagapagtanggol ni Autumn. Pagbibiro nito kaya siniko ko.
"Tama na 'yan baka kung saan pa mapunta ang usapan. Siya nga pala wala paring kupas ang kape mo anak, masarap parin.
"Ako paba ina haha. Pagtawa niya sabay tingin sa akin.
Bakit hindi na lang nahulog ang loob ko kay Heraz. Sa lalakeng katulad niya nararapat lang na mahalin dahil sa kabutihan ng kanyang kalooban. At hindi lang iyon maalaga pa siya.
Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya. Bumalik ang aking diwa ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Autumn tinatanong ni ina kung gusto mong sumama sa kanya?
"Ah pasensya na hindi ko narinig. Palusot kong sabi, medyo nahiya ako ng kunti haha.
"Baka gusto mong samahan ako upang magpahangin sa labas Autumn?
"Sige po gusto ko ring makalanghap ng hangin.
Lumabas kami ni Mara at naglakad-lakad. Dahil wala namang araw kaya malaya naming gawin ang mga gusto namin.
"Hindi parin ako makapaniwala na nakalaya na ako, kaya dapat lang kitang pasalamatan Autumn ang anak ng dakila.
"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo Mara, dahil ikaw ang naging susi para malaman ko ang lahat. Ngayon nasagot na ang mga katanungan ko noon na hindi kayang sagutin ni lola, nalinawan na ang aking isipan kaya salamat sa'yo. Dahil sa tuwa nayakap ko siya ng mahigpit. Pakiramdam ko kayakap ko na ang aking ina, napakagaan ng loob ko sa kanya.
"Pwede ba kitang maging pangalawang ina? tanong ko sa kanya na wala man lang paligoy-ligoy.
"Oo naman, para magkaroon ako ng babaeng anak.

BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...