Pinauna na ako ni Cloud na pumasok sa loob. Sinundan ako ni lola at kinausap sa aking silid.
Naupo ako habang pinupunasan ang aking buhok na nabasa sa ulan.
"Autumn saan kayo pumunta ni Cloud? Kailan pa kayo nagsinungaling sa amin ng tito mo?
"Namasyal lang kami lola, nais niya sana akong ipakilala sa kanyang yumaong ina kaso hindi natuloy dahil sa lakas ng ulan. Kaya nanatili muna kami sa kanyang kaibigan na si Heraz para roon magpatila ng ulan.
"Ano!? nakita ko ang expresyon ng mukha ni lola. Nagulat ito sa sinabi ko kaya naningkit ang mga mata ko na may kasamang pagtataka.
"Bakit po lola may problema ba sa sinabi ko?
Umiling lang ito at nagpaalam sa akin na lalabas na ng silid ko. Magpahinga raw muna ako, hindi ko maikailang bigyan iyon ng kahulugan dahil sa biglang pag iwas ni lola sa akin.
Samantala rinig na rinig ko ang pagtatalo ng dalawa sa sala pero hinayaan ko na lang dahil kasalanan din namin.
"Huwag mong susuwayin ang utos ko Cloud! 'wag mong pangunahan ang mga ginagawa ko! Paano na lang kung nakita niya? ha!? nag iisip kaba?
Kahit nasa loob ako naririnig ko parin ang pinag uusapan nila dahil sa lakas ng mga boses nila.
Lumabas ako ng silid at nagtago sa isang poste para pakinggan sila. At isa pa nag aalala ako kay Cloud. Dapat kasama ako sa pinagagalitan ni tito.
Nakita kong kwenelyuhan siya ni tito at tela ba galit na galit ito.
Nagtataka lang ako bakit ganoon na lang sila kahigpit at magalit wala naman kaming ginawang masama.
"Malaki na si Autumn! karapatan niyang malaman ang katutohana! Sagot naman ni Cloud at kwenelyuhan niya na rin si tito.
"Katutohanan? nagbibiro kaba ha Cloud? alam mo ba ang sinasabi mo? hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan namin ng mama mo!
"Hindi mo rin ba inisip kung ano ang mararamdaman niya? Kung nabubuhay pa si ina maaaring kakampihan niya ako dahil alam kong ito ang tama!
Nakita kong hinila ni Cloud ang kwelyo ni tito at kanya itong dinibdiban kaya bumagsak si tito sa sahig at pumaibabaw si Cloud. Hawak hawak niya parin ang kwelyo ni tito at plano niya itong suntukin. Hindi ko mapigilan kaya lumabas na lang ako sa pinagtataguan ko para suwayin sila.
"Tama na Cloud! Huwag mo siyang sasaktan! ama mo siya!sigaw ko.
Nakuha ko ang kanilang atensyon kaya tumigil ang dalawa. Tumayo silang pareho.
"Malaki na ako, alam ko ang tama at mali! gustuhin ko mang malaman ang katotohanan pero wala akong magagawa. Minsan naisip kong bampira ba talaga ako? bakit marami akong senyalis na hindi katulad sa inyo!bakit hindi ako nasusunog sa sikat ng araw? bakit hindi humihilom kapag nasusugatan ako? bakit hindi humahaba ang mga kuko ko? bakit nasusuka ako sa tuwing nakakakita at nakakaamoy ako ng sariwang dugo at karne!? Pero pinaniniwalaan kong hindi pa tamang panahon para maranasan ko iyon. Eh yung tungkol kay ina? bakit ni minsan ayaw niyong makita ko ang kanyang libingan? Maraming dahilan para magalit ako sa inyo! Pero mas pinili kong manahimik na lang! Sana nga kapag dumating ang takdang panahon sana mamatay na lang ako!
Lumingon ako sa aking likuran kanina pa palang nakikinig sina lola at Patra.
Napapaiyak na ako kaya umalis na lang ako para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam pero kinuha ko ang isang kabayo at sumakay ako. Kahit papano marunong akong mangabayo sinabi ko lang noon kay Cloud na first time ko kahit hindi.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirosAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...