Ito ang araw na pinakahihintay ko, sa wakas at lunes na. Makakalabas na rin ako sa mansiong ito na super boring.
Kailangan ko na pa lang magmadali dahil hinihintay na ako ng driver. Ihahatid niya kasi ako sa eskwelahan kung saan ako pumapasok.
Pagpasok ko ng sasakyan nagulat ako dahil bukod sa driver may isa pang nakaupo sa unahan.
"Manong sino po siya? tanong ko.
"Huwag mo na lang siyang pansinin Autumn, kunwari hindi mo siya nakikita.
"Bakit naman po? siya ba ang anak ni Tito? Sabi ko na gustong gusto kong makita ang mukha. Nakasuot kasi ng shade at nakatalikod habang nakasuot ng jacket na may hood.
Nakita kong tumango si manong kaya hindi na ako nagtanong pa. Ibinalin ko na lang sa labas ang aking mga mata.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa totoo lang mahina ako sa lamig at mabilis akong ginawin. Wala pa naman akong dalang payong.
Napansin kong binuksan ng lalakeng nakashade ang bintana at nilabas niya ang kanyang kamay. Mukhang nag eenjoy siyang saluhin ng kanyang palad ang ulan.
"Gusto mo bang lumabas Cloud?tanong ni manong.
Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin ni manong ang pangalan niya. Nakita kong umiling siya. Hinayaan ko na lang sila at nagtulog-tulugan na lang ako. Maya-maya ay napatingin ako sa aking relo, naku, ilang minuto na lang mali-late na ako.
"Ahh manong malayo paba tayo?mukhang mahuhuli na ako sa klase, Ok lang bang pakibilisan?
"Malapit na tayo Autumn 'wag kang mag alala hindi ka mali-late. Sabay ngiti niya sa akin.
"Ano naman kaya ang magiging kapalaran ko ngayong araw. Hindi na ako aasa na magiging maayos bago matapos ang araw na ito. Makikita ko naman ang mga kaklase kong mahilig akong pagtripan at tuksuhin. Wala ng bago at nasanay na ako. Malungkot kong sabi at narinig iyon ni manong.
"Hanga ako sa katapangan mo Autumn. Kahit na pinapahiya, tinutukso at pinapahirapan ka ng mga tao nagpapatuloy ka parin. Basta mag iingat ka lagi.
Tumango ako at nginitian si manong habang nakatingin ako sa likuran niya. Isa rin kasi siyang bampira katulad kong mabait.
Naramdam kong huminto na ang sasakyan at pagtingin ko nasa tapat na kami ng malaking gate ng eskwelahan. Bumaba na ako at nagpaalam na sa kanila.
Inayos ko ang aking sarili at nagpaalam na kay manong. Hindi ko na pinansin si Cloud alam kong hindi naman siya interesadong makilala ako.
"Good morning kuyang guard." nakangiti kong bati sa kanya.
"Good morning din sa'yo Autumn. Siya nga pala bago ko makalimutan may nagpapabigay nito sa'yo. Sabay taas ng isang pirasong magandang bulaklak.
Napanguso ako at nagtaka kung sinong lalake ang nagtangkang magbigay ng bulaklak sa akin.
"T-teka baka nagkamali lang siya ng bigay kuyang guard, hindi pa naman po ako patay para bigyan ng bulaklak. Sige aalis na po ako. Sabi ko at nagsimula na akong maglakad.
"Hayon siya Autumn kaya kunin mo na ito, kanina kapa niya hinihintay.
Napalingon ako sa dakong itinuro niya at nakita ko ang lalakeng nakatingin sa akin. Kinuha ko ang bulaklak at nilapitan ang lalake.
Sa totoo lang hindi ako masaya at natuwa sa ginawa mo. Magpapasalamat lang ako dahil may taong nagbigay sa akin ng bulaklak. Bungad ko sa kanya.
"Ayos lang Autumn ang mahalaga tinanggap mo ang bulaklak, sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...