Chapter 38

72 1 0
                                    

Cloud Pov...

"Teka sandali!"

"Bakit? Wika ko sabay lingon sa kanya si Patra pala.

"Pansin ko noong mga nakaraan mukhang malapit na kayo sa isa't isa ni Scarlet. Kung sabagay mula bata magkasama na kayo. Pero totoo bang nakalimutan mo na si Autumn ng ganoon kabilis?

"Sino ba si Autumn? Alam mo Patra lagi niyong binabanggit ang pangalang iyan kaya nagtataka ako kung sino si Autumn?

"Seryoso ka Cloud? hindi mo kilala si Autumn? Haynaku dibale na lang, siguro iyan ang paraan mo para makalimutan siya.

"Siya nga pala bago ko makalimutan, mamaya pupunta dito si Scarlet. Pakitawag na lang ako sa aking silid kapag nandito na siya.

"Sige, sagot niya at umalis na ako.

Napaisip ako kung sino ba si Autumn, wala akong maalala tungkol sa kanya. Talagang hindi ko siya kilala. Napasilip ako sa bintana dahil nakarinig ako ng ingay ng kabayo. Doon ko nakita si Heraz kaya lumabas ako.

"Anong kailangan mo kaibigan?tanong ko.

"Gusto kitang yayaing mamasyal para makapag-usap na rin tayo kaibigan.

"Sige kung iyan ang nais mo.

"Kunin mo ang iyong kabayo hihintayin kita sa labas ng tarangkahan.

Tumango ako at tinungo ko ang kulungan ng mga kabayo. Pagkasakay ko agad kong pinuntahan si Heraz.

"Tayo na, wika ko at tumango naman siya. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo habang nakasunod lang siya.

"Kamusta na ang iyong damdamin mahal kong kaibigan? sa palagay ko maayos kana hindi tulad ng dati.

"Maayos na ang lagay ko at wala namang nagbago sa akin.

Huminto kaming pareho at pinalakad na lang namin ang aming mga kabayo habang nag-uusap.

"Masaya akong makita kayong magkasundo ng aking kapatid. Pero kung maaari pwede mo bang sabihin sa akin kong nagugustuhan mo na si Scarlet.

"Hahaha ahahaha! napahalakhak ako sa sinabi niya.

"Bakit ka tumawa? may masama ba sa sinabi ko?

"Wala naman, alam mo ang totoo niyan hindi naman mahirap magustuhan ang kapatid mo.

"Imposible naman yata 'yan Cloud? ang alam ko may mahal ka ng iba at ayaw mo itong mawala sa'yo?

"Kung ano man ang alam mo kalimutan mo na iyon Heraz.

Pansin kong pumangit ang awra ng kanyang mukha. At nakita kong napatikom ang kanyang kamao.

"Kung ganoon mas mabuting hindi kayo nagkatuluyan, ayaw ko ring dumating sa punto na sasaktan mo lang ang damdamin niya. Dapat pala nagtapat na lang ako ng aking nararamdaman noon sa kanya kung ang kapatid ko lang naman pala ang magugustuhan mo. Pero ito ang tatandaan mo kapag napatunayan kong buhay pa siya wag na wag mo siyang kukunin at agawin sa akin.

"Teka, teka, sino ba ang tinutukoy mo?

"Hindi na mahalaga kong sino ang tinutukoy ko. Alam ko naman na kilala mo siya. Basta kung seryoso ka sa kapatid ko 'wag mo siyang sasaktan.

"Kung ganoon hindi ka tutol para sa aming dalawa?

"Kahit tumutol ako wala ring mangyayari, tsaka hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa bilang magkapatid. Nagbago na ang lahat basta 'wag mo siyang sasaktan.

"Makakaasa ka Heraz.

"Malaki na ang pinagbago mo Cloud. Hindi ko alam kong bakit.

"Hindi ko kayo maintindihan, ang mabuti pa dumako tayo sa lugar na iyon.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon