Chapter 19

78 3 0
                                    

Cloud pov....

Simula paggising ko hindi ko na nakita si Autumn. Hindi ko rin alam kung nasaan siya ang akala ko nasa paligid lang ng mansion upang magpahangin.

Tatlong araw mula ng umalis siya at hindi ko maikaila na namimiss ko siya.

Sa palagay ko nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya sa diko maipaliwanag na dahilan.

Ang totoo niyan nahihirapan at nasasaktan ako kapag malungkot siya. Kaso hindi ko magawang damayan siya dahil kailangan rin ako ni Scarlet.

Sumumpa ako na nasa tabi lang niya ako at hindi ko siya iiwan. At nangako rin ako sa kanyang ina at ama na hanggang nabubuhay ako mananatili ako sa tabi ng kanilang anak.

Ngunit ngayon ko lang naramdaman ito, ang malungkot ng ganito dahil hindi ko matiis na hindi makita si Autumn.

Hindi na ako mapakali na sundan siya kung saan man siya naroroon. At hindi ko matiis na hindi mag-alala sa kanya.

"Kailangan kong sundan siya, kailangan."

Humarap ako sa pinto palabas ng kulungan ng mga kabayo. Hahawakan ko sana ang busol ng may biglang magsalita.

"Saan ka pupunta? nilingon ko kung sino ang nagsalita at doon ko nakita si ama.

"Susundan ko si Autumn, sagot ko at kinabig ko na ang pinto.

"Hindi mo alam kung saan siya ngayon. Mapanganib kung aalis ka.

"Hayaan niyo ama kaya ko na ang aking sarili. Kung saan ako dadalhin ng aking kabayo roon ako dadako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa hindi ko na rin hinintay ang sagot ni ama. Mabilis kong tinungo kung saan nakakulong ang paborito kong kabayo.

Umangkas ako at mabilis ko itong pinatakbo.

"Susundan natin si Autumn!kailangan nating makita siya! sigaw ko habang kinakausap ko ang kabayo.

Nasa kalagitnaan na ako ng kagubatan, malapit na rin akong abutan ng hating gabi. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Autumn basta ang mahalaga ay mahanap ko siya.

Tila ba may mga kaluskos akong naririnig mula sa itaas ng mga puno ng kahoy.

Kailangan kong mag-ingat dahil baka may nakaabang sa akin na panganib.

Hanggang sa biglang huminto ang aking kabayo dahilan naman ng may pumatak na dugo sa aking pisngi na alam kong galing sa itaas.

Inamoy ko ang dugo kaya hinanda ko na ang aking sarili.

Maya-maya ay nakarinig ako ng isang ungol na nakakapangilabot.

Isang ungol ng bampirang hayop na alam kong pumakawala mula sa kweba kung saan naroroon ang mga angkan ni Gabra.

Lumingon ako sa kanan dahil may biglang lumitaw na kakaibang nilalang. Malaki ang ulo nito, maitim ang mga mata at parang bulok na bangkay ang katawan.

Puro dugo rin ang bibig nito na halatang nakatikim ng sariwang dugo.

Agad kong pinatakbo ang aking kabayo. Hanggang sa napansin kong nakasunod parin sila.

"Hahahahaha! hahahahaha!malakas na halakhak ang aking narinig mula sa itaas ng kahoy habang palipat-lipat at nakasunod lang sa akin.

"Lumabas ka! 'wag kang duwag!sigaw ko.

Bigla siyang lumitaw sa harapan ko kaya napaatras ang aking kabayo.

"Kung siniswerte nga naman ngayong gabi! hahaha

Malakas niyang halakhak kaya naningkit ang aking mga mata kasabay ng pagtikom ng aking dalawang kamao.

"Anong kailangan mo? tanong ko sa kanya.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon