Ahhhhhhhhhhhh!
sigaw ko pero bigla niyang tinakpan ang aking bibig.
"Wag kang sumigaw baka kong ano pa ang isipin nila.
Eh kasi naman nakahubad siya, natatakpan lang ng towel ang kanyang ano.
Tapos kitang kita ko ang dibdib niya tapos ang abs niyang mukhang ang tigas tigas.
Sabayan pa ng magulo niyang buhok na bumagay talaga sa kanya. Ang pula pa ng labi niya.
Napalunok ako at napapikit na lang. Lumayo ako sa kanya at tumalikod para hindi siya makita.
"Diba nasa labas ka kanina habang naliligo sa ulan? p-paanong....
"Dahil mabilis ako, mabilis niyang sagot.
"Magbihis ka! 'wag ka ngang humarap sa akin! sigaw ko.
"Eh anong pakialam mo kung ganito ang hitsura ko? kasalanan ko bang pumasok ka sa kwarto kong wala man lang permiso?
"Ang dami mong sinasabi bilisan mo!
"Hahaha! edi lumabas ka!
Ginawa ko ang sinabi niya hinakbang ko ang aking mga paa. Ngunit naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking kamay at kanyang isinandal sa dingding.
Kitang kita ko ang laki ng dibdib niya, ang kaputian niya at ang mapula niyang labi.
Nararamdaman ko na naman ang isang kuryente lalo na kapag tinititigan niya ako.
"Pakawalan mo ako!
"Kung ayaw ko? kailangan mong parusahan dahil pumasok ka sa silid ko.
"Pakawalan mo sabi ako eh! hindi na ako interesado sa'yo! ngayon alam ko na! ikaw 'yong lalakeng nagligtas sa akin noong muntikan na akong makagat ng masamang bampira, at 'yong lalakeng nakita ko rito sa mansion na bigla na lng tumalon sa bintana at kung hindi ako nagkakamali ikaw rin ang lalakeng dinala ko sa aking silid na bigla na lang nawala! Kaya pala ayaw mo akong makilala at hindi ka interesado sa akin dahil kilala mo na ako! Anong klase kang bampira napaka arte mo!sigaw ko sa kanya as in sobrang lapit sa mukha niya. Siguro naman damang dama niya na ang galit kong iyon dahil ibinuga ko talaga sa mukha niya ang malakas kong boses.
"Tama ka ako nga iyon. Pero 'yong ayaw kang makilala hindi totoo iyon. Hindi pa ako handa at hindi rin ako sanay makipag usap sa ibang tao.
"Hindi ko na kailangan kung ano man ang mga palusot mo!pakawalan mo ako!
Tinulak ko siya at mabilis akong lumayo sa kanya pero nahawakan niya parin ako.
Bigla niya akong ihiniga sa kanyang kama at pumaibabaw siya sa akin. Napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ko, ito ang kahinaan ko mas mabuti pang tangayin na lang ako ni Diego kahit anak pa siya ni Gabra 'wag lang ang ganitong eksena.
Hindi ako makakilos at mas lalong hindi ako makapagsalita. Napapikit na lamang ako.
"Bakit hindi kana makapagsalita? sabi niya, amoy na amoy ko ang kanyang hininga ganoon paman mabango parin.
"Diba gusto nilang maging asawa kita? bakit hindi na lang natin gawin ang ginagawa ng mag asawa? Sabi niya habang hinahawakan niya ang damit ko malapit sa dibdib ko.
Napalunok na lang ako..
"Masyado pa akong bata! akala mo ba ganoon ko na lang isusuko iyon?
"Hahahaha! hahaha! sabay halakhak at umalis siya sa ibabaw ko.
"Bwesit! bwesit! bulong ko at agad akong bumangon. Malas!mali yata ang naisip ko! ako tuloy ang naisahan niya! bwesit!nagmadali na akong lumabas sa silid niya, kahit nasa labas na ako rinig na rinig ko parin ang paghalakhak niya.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...