Chapter 34

74 4 0
                                    

Maganda ang umaga, hindi pa nababalot ng sinag ng araw ang paligid dahil wala pa ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansion. Isa ito sa pinaka magandang umaga ang aking sinalubong.

Napaunat ako ng dalawa kong kamay at pagkatapos ay itinuon ko ang aking mga paningin sa malaking puno. Huhugutin ko na sana ang aking espada ng may isang babae ang lumabas mula sa likuran ng malaking puno.

Naningkit ang aking mga mata lalo ng makilala ko ito.

"Autumn 'yan ang pangalan mo diba? seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango naman ako habang nakatitig sa kanya habang papalapit sa akin.

"Alam mong kilala mo ako sa pangalan bukod doon baka kilala mo kung sino talaga ako. Bago ang lahat, ako ay namatay at muling binuhay sa pamamagitan ng pinaghalong dugo ng birheng lalake at ang anak ng dakila upang buhayin si Gabra. Ibig sabihin ikaw ang anak ng kaibigan kong si Min at Sum?

"Opo ako nga po.

"Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa'yo. Malaki ang utang na loob ko sa'yo at malaki rin ang naging kasalanan ko kaya dapat ikaw na ang magdisisyon kung anong parusa ang ibibigay mo sa akin.

Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang pagsisisi niya pero sa huli kailangan ko ring humingi ng tawad sa kanya.

"Hindi mo na kailangang hingiin iyon. Para sa kaligtasan ng lahat kaya ginawa niyo iyon. Inaamin ko, nagalit ako noong una ngunit hindi ko dapat maramdaman iyon.

"Napakabuti mo Autumn, tulad ka ng iyong mga magulang. Kung hindi man namin natupad ni Mac ang kahilingan noon bago mawala si Min at Sum may pagkakataon pang tuparin namin iyon. Naaalala ko pa ang mga katagang iyon Autumn.

"Pakiusap alagaan niyo ng mabuti si Autumn." Sila ang susi para mabuhay si Gabra. 'Wag niyong hahayaang maging miserable ang buhay ng anak namin, iyon ang sinabi ng iyong ina.

"Ipangako niyo sa amin Mac, Maharlika, na sa paglaki nila sila ang magpapatuloy ng aming pagmamahalan ni Min. Sabi naman ng iyong ama. Kaya gusto kong alagaan ka, kayo ng aking anak. At kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Cloud hindi kami hahadlang sa inyong dalawa.

Napangiti ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na ang Maharlikang kaibigan ng aking ina at ama ay isang mabuting bampira. At ito ang sinasabi sa akin ni Mara na huwag akong magalit sa kaniya.

"Salamat po, ani ko.

"Autumn may isa pa akong mahalagang sasabihin sa'yo kaya makinig ka ng mabuti.

"Tungkol po saan iyon Maharlika?

"Tungkol kay Gabra at sa kanyang ama. Autumn buhay pa ang kanyang ama at wala tayong alam kung kailan siya babalik. May isa pang paraan para mabuhay si Gabra kaya dapat tayong mag ingat at huwag tayong pakasisiguro na malaya na tayo. Wala na si Diego at kapag nalaman iyon ng kanyang lolo malamang mas matindi pa ang ibabalik ng dyablong si Marus.

"Kung ganoon ano po ang paraan para muling mabuhay si Gabra?

"Kailangan nating makausap si Liha.

"Liha? mukhang pamilyar sa akin ang pangalan niya.

"Siya ang taga pagbantay ng kayaman ng kagubatan. Siya ay isang goblin, hahanap tayo ng paraan kung paano natin siya makakausap.

"May alam akong paraan, sagot ko ngunit bigla kaming napahinto dahil may napansin kaming kakaiba sa paligid. Para bang may nakikinig kaya naman nilibot muna namin ang aming mga paningin. Pero bumalik lang kami sa pag-uusap ni Maharlika at binaliwala na lang iyon.

"Paano?

"Si lolo kakausapin natin siya, ang pagkakaalam ko magkaibigan sila ng goblin na si Liha.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon