Chapter 21

76 6 2
                                    

Iba ang naramdaman ko ng marinig kong sinundan ako ni Cloud dahilan kung bakit wala pa siya hanggang ngayon.

Kaya ako din dapat ang gumawa ng paraan para malaman ko kung nasaan siya.

Gagawin ko ito hindi dahil sa may nararamdaman parin ako sa kanya. Gagawin ko ito dahil magkapatid kami.

Nagpalit ako ng kasuotan at ihinanda ko ang aking espada. Espadang papatay sa kanila hanggang sa maubos ko ang angkan nila.

Alam kong si Diego lang ang bampirang umaaligid kaya pupuntahan ko siya kahit na mapanganib.

"Pakiusap Autumn huwag kang aalis, makinig ka sa akin at huwag kang magpadalos dalos," tugon sa akin ni lola.

"Maaaring mapanganib ang aking gagawin pero hindi ako mapalagay dahil hanggang ngayon wala parin si Cloud. Gusto kong hanapin siya kaya hayaan niyong gawin ko ito.

"Sasama kami sa'yo Autumn, hindi namin hahayaan na mag isa kang aalis.

"Tito huwag na po, kaya ko na ito. Pakiusap bantayan niyo na lang po si Lola habang wala ako.

"Autumn sigurado kana ba ha?

Tumango ako sa tanong ni Patra pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit si lola.

Mula sa pagkakayakap humiwalay na ako at sumakay na sa aking kabayo.

Hindi na ako lumingon pa dahil ayaw kong makita ang mga matang nangungusap na ayaw na akong tumuloy sa aking pag alis.

Umangkas na ako sa aking kabayo at doon mabilis kong pinatakbo.

Nakarating ako sa gitna ng kagubatan.

Nilibot ko ang aking mga mata mukhang napakatahimik ng paligid. Walang gaanong hangin at wala akong naririnig na mga kaluskos.

Bumaba ako sa aking kabayo at nag-isip kong paano ko mapapalabas si Diego sa sarili kong paraan.

Hinugot ko ang aking espada, tinitigan ko ito mula sa pagkakahawak ko hanggang sa dulo. Ito ang espadang tatapos sa buhay ko kaya ito rin ang espadang unang babaon sa katawan ko.

Ito lang ang paraan para lumabas si Diego. Napapikit ako at itinutok ang matulis kong espada sa aking dibdib.

"Patawarin mo ako sa aking gagawin. Ito ang unang beses na sasabihin ko sa'yo. Mahal kita Cloud kaya handa kong isugal ang buhay ko para sa'yo. Pero dahil magkapatid tayo hindi na kita pwedeng mahalin.

Isang butil ng luha ang umagos sa gilid ng mga mata ko. Pumatak ito sa espada na dahilan naman ng biglang pagkinang nito.

Dahan-dahan kong itinusok sa aking dibdib ang matulis kong espada.

Umagos ang kunting dugo mula sa pagbaon ng aking espada. Nararamdaman ko na ang kirot at sakit.

Napapangiwi na ako kasabay ng pagsigaw ko ng malakas.

"Ahhhhhhhhhh!ahhhhhhhhhhhh! mula sa kaibuturan ng aking puso palabas ng aking lalamunan lumabas ang aking malakas na boses. Bakat sa aking leeg ang mga ugat na dahilan ng pagsigaw  ko, at ang dulot ng sakit at kirot ng espadang nakabaon sa aking dibdib.

Umulan, kumidlat at kumulog. Nakita kong unti-unti ng umaagos ang aking dugo at kumalat ito sa aking paanan.

"Diego lumabas ka! magpakita ka! Diego! Diba kailangan mo ako? kaya lumabas ka at magpakita sa akin! sigaw ko at paulit ulit iyon.

Biglang dumilim ang buong paligid at nawala ang malalakas na kidlat. Patuloy parin ang malakas na pag-ulan na pumapatak sa katawan ko.

Napapikit akong muli dahil nararamdaman ko ang panghihina ko. Hinahabol ko na rin ang pag-hinga ko dahil anumang minuto ay mawawalan na ako ng buhay.

Wala ng lumalabas na hangin mula sa aking bibig. At hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng aking puso. Unti-unti na ring nanghihina ang aking katawan kasabay ng pagbagsak ng aking mga mata.

Pagdilat ko isang nilalang ang bumungad sa aking harapan. Kitang-kita ko ang kanyang mukha dahil sa kidlat na muling bumagsak kaya naaninag ko ang kanyang mukha.

Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya, takam na takam na siya sa akin. Nanlilisik na ang kanyang mga mata at hindi na rin makapagpigil ang kanyang bibig habang unti-unting lumalabas ang matutulis niyang pangil. Napadila siya at dahan-dahang lumapit sa akin, inamoy niya ang aking leeg at ramdam na ramdam kong siningot niya ito hanggang sa kinagat niya ako at doon ko naramdaman ang mga pangil na bumaon sa aking leeg.

"Autumn! Autumn! Hindi!!!!!

Huling pagtibok ng aking puso at huling hininga ko ang pumutol sa huling pagkakataong marinig ko ang boses ni Heraz.

"Hahahahahaha! hahahaha! sa wakas natupad rin ang pinakamimithi ko! hahahahaha!

"Kahit kailan hinding-hindi siya magiging kadugo mo Diego!Bitawan mo siya!

"Wala ka ng magagawa Heraz! huli na ang lahat dahil isa na siyang ganap na bampira!hahahaha! isa na siya sa angkan namin! hahahaha!

"Hindi ka magtatagumpay! hindi siya magiging katulad niyong masasama!

"Paano iyan ang muling pagtibok ng kanyang puso ay hindi na normal na tao, kundi bubuhayin ko siya sa pamamagitan ng dugo ko! Kailanman hindi na siya magiging mabuti dahil isa na siyang tunay na bampira. Laman at dugo ng tao na ang hahanapin niya hahahahaha!

"Kaya mo ba siya kinagat dahil iyon ang nais mo? pwes! Babawiin ko siya sa'yo!

"Sige dakpin siya at gawing bihag! huwag niyong hahayaang makawala dahil isusunod ko na siya! hahaha.

"Hindi ka magtatagumpay Diego!hindi!

"Kapag nabuhay si ama magiging ganap na bampira na ang mga tao, gagawin naming kasiya-siya ang sanlibutang ito! maghahari ang dapat na maghari at lahat kayong mga mahihina magiging alila namin. Susunod kayo sa mga utos namin at walang makakapigil sa plano namin ng aking ama. Hahahaha!

"Magagawa niyo iyan pero hindi parin kayo magtatagumpay. Ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay! may hangganan din kayo dahil hindi kayo nababagay sa sanlibutang ito!Kung sa tingin mong malakas ang ama mong si Gabra hindi sana siya nalagutan ng hininga!Ikaw pa kaya na mahina? Haha!sa palagay mo magtatagumpay ka? katulad ka rin ng iyong ama na susunod na malalagutan ng hininga!

"Isa kang hangal at lapastangan!dapat sa'yo patayin!

"Hindi ako natatakot mamatay!dahil kahit mamatay man ako ngayon hindi ka parin magtatagumpay!

"Dakpin siya at ikulong!parusahan hanggang sa mamatay!

"Masusunod panginoon.

"Hahahaha! akin kana ngayon aking binibini, napakaganda mo talaga. Gagawin kitang isang reyna, sabik na sabik na ako sa'yo aking binibini."

"Panginoon kailangan na nating umalis mukha yatang may paparating.

"Sige bilisan niyo! Huwag niyong hahayaang makawala si Heraz!

"Masusunod panginoon.


            

               ___________________

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon