Pangalawang araw ko ngayon sa mansion. Naninibago parin ako. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinungo kung saan ang kusina. Swerte ko dahil naabutan kong naghahanda ng pagkain si ateng Patra. Teka ano nga ba ang itatawag ko sa kanya?
Lumapit ako sa kanya.
"Oh Autumn nandyan kana pala. Tanong niya.
"Nababagot kasi ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Siya nga pala ano po ba ang pwede kong itawag sa inyo?
"Patra iyan lang ang itawag mo sa akin.
Tumango ako at napakunot habang nakatingin sa kanyang ginagawa. Curious kasi ako.
"Ano pong ginagawa ni'yo?
"Hinahanda ko lang ang hapunan ni Cloud.
Napangiti ako.
"Pwede po bang ako na lang ang magdadala sa kanya ng mga 'yan?
"Naku hindi pwede Autumn. Walang gustong magdala o pumasok sa kwarto niya kundi ako lang. Kahit ang ama niya ay bihira niyang pahintulutan.
"Bakit naman? Pati si tito na ama niya ay kailangan pa ng pahintulot?
"Alam mo hindi kasi siya sanay na makakita ng ibang tao o ibang bampira. Simula pagkabata ay nakakulong na siya sa kanyang silid. Hindi ko nga maintindihan pero mukhang hindi sila magkasundo ng tito mo.
"Hindi na ako aasa na makilala siya kung ang sarili niyang ama ay hindi niya kayang harapin. Sayang interesado pa naman akong makita siya.
"Hayaan mo babanggitin kita sa kanya.
"Kayo ho ang bahala. Sabi ko sa kanya.
Nagsimula ng maglakad si Patra habang bitbit ang pagkain na nakalagay sa tray. Pinauna ko muna siya bago ako sumunod.
Sekreto akong pumasok sa silid ni Cloud nang nakabukas na ang pinto. Nakatago ako ngayon sa likuran ng malaking kabinet habang palihim ko silang sinusulyapan.
"Cloud kailangan mong ubusin 'yan para lumakas ka, kanina ka pang umaga hindi kumakain.
"Wala akong ganang kumain. Pakisabi kay ama na gusto kong makita ang libingan ni ina. Gusto kong makita ang mukha ni ina.
"Hindi pwede, iyan ay isa sa ipinagbabawal ng iyong ama. Masyadong mapanganib dahil baka masundan ka ng kampon ni Gabra.
"Sino ba ang tinutukoy niyang ina? Pareho pala kami na gustong makita ang libingan ng aming ina. Sayang hindi ko makita ang kanyang mukha nakatalikod kasi siya. Sabi ko habang nakatago sa likod ng malaking kabinet.
"Bakit ba kasi ako pa ang berhing lalake na hinahanap nila?
"Kaya nga kailangan mong makahanap ng babaeng pakakasalan mo habang maaga pa gawin mo na ang gustong mangyari ng lola at ng ama mo.
"Paano? Walang taong gustong tumanggap sa akin! Isa akong bampira at isa akong masama sa paningin nila! At isa pa walang nakakaalam tungkol sa akin. Na may isang Cloud na nabubuhay sa mundong ito! Ang isang katulad ko ay walang alam tungkol sa pagmamahal.
Nakita kong niyakap siya ni Patra, pakiramdam ko napakalungkot ng mundo niya.
"Siya nga pala ayaw mo bang makilala ang apo ng lola mo? Ayaw mo bang makita si Autumn?
Kinabahan ako sa aking narinig. Napahawak ako sa aking dibdib habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Wala akong pakialam kung sino man ang Autumn na 'yan, pakisabi hindi ako interesado.
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sagot niya. Mabuti pang lumabas na lang ako rito baka kung ano pa ang marinig ko. Hindi pala siya interesado, eh, ano paba ang ginagawa ko rito.

BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...