Chapter 29

66 5 0
                                    

Dahil wala pang araw ,medyo madilim pa ang paligid naisipan kong maglakad para maghanap ng malilibangan.

Narating ko ang ilog kung saan minsan na akong nagawi. Ito ang isa sa paborito kong puntahan noon kapag gusto kong maligo bukod sa malinis, tahimik pa ito.

Naupo ako sa tabi habang ang dalawa kong paa ay naglalaro sa malamig na tubig.

Nanalamin ako sa tubig at nakita ko ang aking mukha.

Ngumiti akong bahagya at napapikit na lamang.

Napansin kong may naglalarong isda sa harapan ko kaya natuwa ako.

"Mas mabuti pang maligo muna ako, sabi ko sa aking sarili at lumusong na ako sa tubig.

Tinungo ko ang bandang malalim na parti hanggang sa masukat ko ang tubig. Noong hanggang balikat ko na ito saka ako lumangoy at isinubsob
ang buo kong katawan.

Pag-ahon ko hinawi ko ng aking palad ang aking mukha para matanggal ang namumuong tubig kasabay din ng paghawi ng aking mahabang buhok.

Pagkatapos ay nilibot ko ang aking paningin dahil sa malakas na kaluskos na aking narinig. Napatuon sa kaliwang dako ang aking mga mata at pagtingin ko isang malaking usa ang sumulpot mula sa damuhan.

Napahangos ako ng malalim dahil akala ko kung ano na. Kumalma naman agad ang aking pakiramdam at tinungo na ang pampang. Doon naupo ako at tiningnan ang aking sarili. Laking gulat ko dahil hindi ko inakala na ang suot kong bistida ay manipis kaya hapit na hapit ang aking katawan.

Kailangan kong magpatuyo bago ako bumalik sa kubo.

Mga kalahating oras na rin akong nakaupo kaya tumayo na ako para bumalik ng kubo.

Laking gulat ko ng may biglang humapit na palaso sa aking kanang pisngi dahilan kung bakit nasugatan ako.

Nanlaki ang aking mga mata kaya biglang lumabas ang aking mahahabang kuko kasabay ng paglabas ng aking mga pangil.

Nilibot ko ang buong paligid para alamin kong saan nanggaling ang palaso. Wala akong makita ngunit may kakaiba akong naramdaman.

Lumakas ang simoy ng hangin, at tumayo ang buo kong balahibo. Hinugot ko ang aking espada sa aking tagiliran at pinakiramdaman ko ang buong paligid.

Doon malakas kong binato ang aking espada. Maya-maya ay may pumatak na dugo kasabay ng pagbagsak ng isang kakaibang nilalang na ngayon ko lang nakita.

Nilapitan ko ito at tiningnan ang nilalang at para narin hugutin ang espada na tumama sa kanyang likuran.

Hahawakan ko na sana ang aking espada ng biglang may humablot sa akin at dinala ako sa damuhan.

Hanggang sa huminto kami at sinubukan niya akong lapain ng kanyang matutulis na ngipin.

Nakakatakot ang kanyang mukha, ang kanyang mga kamay ay halos bumaon na sa aking leeg sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Napalunok ako ng tingnan ko ang kanyang mukha, halos matakpan na ng mga dugo ang buo niyang mukha at ang kanyang mga mata ay nanlilisik.

Mahaba rin ang kanyang buhok at ang kanyang katawan ay parang isang aso na may mahabang buntot. Ngunit wala siyang mga balahibo kundi isang katawang nabubulok na sobrang baho.

Huhugutin ko sana ang aking espada ngunit wala pala sa tagiliran ko kaya nag-ipon ako ng pwersa baka sakaling malabanan ko siya, dahil nakapatong siya sa akin ay pinilit ko siyang sipain. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon kaya agad kong pinakawalan ang malakas na sipa dahilan kong bakit siya tumilapon sa damuhan.

Mabilis akong bumangon at hinarap siya. Muling lumabas ang aking mga pangil kasabay ng aking mahahabang kuko. Nang nakita kong bumangon ang kakaibang nilalang mabilis ko siyang sinalubong at hindi ko na binigyan pa ng pagkakataong atakihin ako. Madiin kong ibinaon sa kanyang dibdib ang aking matutulis na kuko.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon