Mula sa pinakasentro ng kagubatan matatagpuan kung saan nakahimlay ang bangkay ni Gabra.
Ang kweba kung saan napapaligiran ng malalaking puno at nakakapangilabot na tinig na nagmumula sa mga umuungol na mga hayop at bampira.
Madilim at malamig na hangin ang bumabalot sa buong paligid.
"Tayo! tayo ang muling sasakop sa sangkatauhan! babalutin natin ng kasamaan ang mga tao!nakakatindig balahibo nitong sabi.
Nag umpukan sa kanyang harapan ang mga bampira habang nakalabas ang matutulis na pangil.
"Kailangan na nating umpisahan ang pagsakop sa mga tao! hindi tayo titigil hangga't hindi natin nahahanap ang birheng lalake!Malapit na namang sumapit ang kabilugan ng buwan maghanda kayo dahil sasakupin natin ang nalalapit na ritwal ng mga angkan ni Maharlika!
"Panginoong Diego paano namin makikilala kung sino ang birheng lalake? sino ang kanyang kawangis o paano namin makikilala ang kanyang mukha?tanong ng isang bampira na kanina pa gustong tumikim ng sariwang dugo kaya hindi na ito mapakali sa kanyang pwesto.
"Makinig kayong lahat! wala kayong ititirang buhay! kung maaari isa isahin ninyo ang mga tao para mas madaling mahanap ang birheng lalake! At ito pa, iisa lamang ang palatandaan na siya ang birheng lalake, dahil siya ay may suot na pulseras na may nakaukit na buwan! Iyan ang tanging tatandaan ninyo! maliwanag?!
Tumango lahat ng mga bampira, ibig sabihin ay alam na nila ang kanilang gagawin.
Bukas makalawa na ang kabilugan ng buwan dahilan kung bakit magsisimula na ang paghahasik ng lagim ng mga angkan ni Gabra.
Naghahanda at nag iipon ng lakas at patuloy sila sa pag ungol mula sa nakakakilabot na kagubatan.
"Kabilugan ng buwan"
Tahimik ang buong paligid, natural lang ang pag ihip ng hangin. Wala ng taong dumadaan sa lansangan.
Naglalakasang tugtugan lamang ang maririnig mula sa mga bar. At ang iilan ay labas pasok kaya naman tahimik na hinablot ng isang masamang bampira ang lalakeng nakasuot ng itim na jacket.
"Sino ka!? tanong ng lalake.
"Mukhang masarap ang dugo mo, hahaha! Sabay labas ng pangil at mabilis na kinagat sa leeg ang lalake dahilan naman ng pagkatumba at hinila ito malapit sa madilim na iskinita.
Matapos niyang sipsipin ang dugo ay pumasok ang bampira sa isang bar. At doon niya pinagmasdan ang mga taong nasa loob.
"Gago! hindi ito hallowen party!nagkamali ka ng pinasukan bro!sabay halakhak ng lalakeng patuloy parin sa paglagok ng bote ng alak.
Ngumisi ang bampira at buong lakas itong umungol dahilan kung bakit lumabas ulit ang kanyang mga pangil.
Maya maya pa ay biglang pumasok ang mga kasamahan niyang bampira kaya naman nagulat ang lahat.
Nagsigawan ang mga taong nasa loob ng bar. Ang iba naman ay nanginginig sa takot.
Nag umpisa na silang sumipsip ng dugo hanggang sa maubos ang mga taong nasa loob ng bar.
Ilang oras din ang lumipas ay muling nabuhay ang mga taong nasa loob ng bar. Sila ay nagbagong anyo at naging isang bampira.
Nagkaroon sila ng mga pangil, nagsimula na ring mangitim ang kanilang mga mata at unti unti na ring namamaga ang kanilang mga mukha.
"Humayo kayo mga kampon ni Gabra! Humayo kayo mga kampon ng aking ama! hahaha!sigaw ni Diego na sabik na sabik at tuwang tuwa sa kanyang nakikita.
Muling nag umpukan ang mga bampira habang nakikinig sa sinasabi ni Diego.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...