CLOUD POV**
Bago ko umpisahan pagbigyan niyo muna ako. Dahil wala na si Autumn ako na muna ang magsasalita.
Sobra pa sobra ang paghihinagpis ko ng malaman ko ang nangyari sa kanya.
Dahil pareho kaming bilanggo ni Heraz kaya nalaman ko ang nangyari. Dito ko na sisimulan ang lahat kaya sana wag kayong bibitaw.
________ _________
Heto ako ngayon nakakadena, mahina at wala ng lakas para lumaban. Ngunit kailan ko paring lumaban lalo na't habang nakikita kong walang malay si Heraz sa kabilang rehas.
Wala akong makitang liwanag kundi nagliliyab na apoy na parang nasa impyerno.
"Ikaw! maghanda ka dahil may regalo ang aming panginoon sa'yo!
Bumalik sa realidad ang aking diwa ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng rehas at ang malakas na boses.
"Regalo? naglalaro ba tayo rito?ano sa tingin niyo ang magagawa ng regalo ng hangal mong panginoon?
"Tumahimik ka at huwag ng sumagot! sabay hampas ng bakal na kanyang bitbit sa ulo ko.
"Bakit hindi niyo na lang tapusin ang buhay ko? kung sa ganoon tapos na kayo at wala ng sagabal pa sa mga plano niyong palpak!Dahil kapag nakawala ako dito baka pagsisihan niyo pa!
"Anong pinaglalaban ng hangal na lalakeng iyan?
Singit ng isang lalake na napakapamilyar sa akin. Halatang paparating sila dahil dinig na dinig ko ang mga yabag ng kanilang mga paa.
"Panginoon bakit hindi niyo na lang tapusin ang buhay ng hangal na lalakeng ito?
"Huwag kang magmadali dahil may kailangan pa ako sa kanya. Bago ang lahat at bago ko makalimutan gusto kong ipakilala sa'yo ang babaeng mahal ko.
Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang isang babaeng lumitaw sa harapan ko.
Ibang-iba na ang kanyang hitsura, ibang-iba na ang kanyang mga mata. Nanlilisik na ito at nakakapangilabot. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mga mata tila ba nasasaktan ako. Sobrang nasaktan ako ng makita ko siya, unti-unting nadudurog ang puso ko.
"Autumn, banggit ko at biglang umagos ang aking mga luha.
"Hindi siya si Autumn siya na ngayon si Sharo. Kahit anong gawin mo hindi ka niya makikilala at hindi na siya ang Autumn na kilala mo!
"Hayop ka! isa kang demonyo!anong ginawa mo sa kanya?!
"Magpasalamat ka dahil binuhay ko pa siya, alam mo ba kung bakit ginawa niya iyon?nagpakamatay siya gamit ang sarili niyang espada para iligtas ka, alam niya kasi na kapag pinatay niya ang kanyang sarili magpapakita ako at bubuhayin ko siya kapag nabuhay siyang muli maliligtas ka na niya. Subalit nagkamali siya dahil ang buong akala niya kapag binuhay ko siyang muli babalik siya sa dati. Hahaha! Hindi niya ba alam na isa siyang tao? anak siya ng tao at wala siyang dugo ng bampira. Kaya nga hindi nagtagumpay noon si ama noong inakalang siya ang anak ni Maharlika dahil ipinagpalit kayo noon na dapat ikaw!
"Napakasama mo Diego! Niluko mo ako! hintayin mong makatakas ako dito ikaw ang una kong papatayin! Oo alam kong isa siyang tao! alam kong kasinungalingan ang lahat! na pinaniwala namin siya na isa siyang bampira! Pero hindi ko siya hinayaan na malagay sa kapahamakan. Totoong itinago ako dahil gusto ng ama mo na maging malakas gamit ang dugo ko. Kaya gusto niya akong makuha noon at maging alay. Pero hindi siya nagtagumpay kaya napatay siya ng isang tao!nakakatawa isang tao pa ang kumitil sa buhay ng ama mo!
"Tumigil ka! pangahas! sabay hawak sa leeg ko hanggang sa mahirapan akong makahinga.
"Kung tutuusin kaya kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko! kasama mong masusunog ang inyong katawan sa pamamagitan ko! Maghintay ka lang Diego dahil darating din iyon! kaya sa ngayon magsaya ka muna! pero bago iyon sinusumpa ko 'wag na 'wag mong gagalawin si Autumn!
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...