Chapter 7

112 8 0
                                    

Dahan-dahan kong tinahak ang hagdan pababa.

Pagdating ko sa sala may mga kandilang nakasindi. At maraming mga putahi ang nakahanda sa lamesa.

Nakakita na naman ako ng dugo na dahilan para masuka ako. Sa totoo lang hindi ko pa nasubukang uminom ng dugo kahit isang patak man lang. Oo bampira ako pero bakit hindi kaya ng sikmura ko.

Napatingin sa akin si lola at alam kong ang mga tingin na iyon ay nagsasabing 'wag akong magpahalata na nasasamaan ako sa amoy ng dugo.

"Maupo ka Autumn. Sabi sa akin ni tito.

Tumango lang ako at lumapit sa kanila.

"Patra bakit wala pa si Cloud?Tanong ni tito habang pinupunasan ang bunganga ng baso bago niya ito sinalinan ng alak at pinatakan ng dugo.

"Paumanhin ginoo pero hindi siya makakadalo ngayong gabi.

"P-paano nangyari iyon?kailangan siya sa ritwal na ito!alam kong ang boses na iyon ay galit na si tito.

"Hayaan niyo na po tito ako na lang ang gagawa ng mga kailangan niyang gawin. Singit ko pa pero nagalit siya lalo.

"Hindi maaari! hindi ikaw ang makakatulong sa akin Autumn!ang anak ko ang kailangan ko!malapit ng sumapit ang kabilugan ng buwan! Kailangan ko ang dugo niya! para ipatak sa dugo mo! kailangan niyong magkita ngayong gabi!

Napalunok ako at natakot sa itsura ni tito. Bigla kasing umiba ang itsura niya. Yung tipong lumabas ang mga pangil niya at nangitim ang magkabila niyang mata.

Siguro ilang minuto rin ang lumipas ng biglang may kumatok sa pintuan.

Pinagbuksan siya ni Patra at doon ko nakita ang isang magandang babae na kasing edad ko lang.

"Paumanhin kung nabigla ko kayo, sabi niya at magalang na lumapit sa amin.

Nagtataka ako kung bakit nandito siya, kung sino at ano ang sadya niya.

"Scarlet ikaw pala. Mabuti naman at naligaw ka rito, masayang sabi ni tito.

"Naamoy ko kasi ang papalapit na kabilugan ng buwan at alam kong mauulit na naman ang pagpatak ng dugo mula kay Cloud kaya mabilis akong pumunta rito. Dati rati kasi kaming dalawa ang pinaghahalong dugo para mabasbasan ang libingan ni tita.

"Hahaha! mabuti naman at naalala mo pa Scarlet. Pero hindi yata matutuloy dahil wala pa si Cloud.

"Gusto niyo po bang ako na ang kumausap sa kanya? diretso niyang sabi.

Ako naman nakatulala lang habang hindi makasabay sa kanilang pinag uusapan.

"Siya nga pala Autumn siya si Scarlet ang kababata ni Cloud.

Ngumiti ako sa kanya ng pilit iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya.

"Ikaw pala Autumn, kilala kita sa pangalan dahil minsan ka ng naikwento ni tito sa akin. Sabi niya habang nakangiti.

Oo siya na ang mabait at maganda.

"Ah ganoon ba? wika ko.

"Patra pwede mo ba akong samahan sa silid ng aking kaibigan? sabi niya at lumapit kay Patra.

"Sige baka sakaling makombinsi mo siya.

"Tito ako na po ang bahala maiwan ko muna kayo, mahina niyang sabi.

Napakapormal niyang magsalita, malamang kasi magkababata sila ni Cloud kaya naman hindi na ako mag aaksaya pa ng panahon para hintaying pumunta pa rito si Cloud. Sabagay nandyan naman si Scarlet sila na lang ang tumuloy sa ritwal.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon