"Nasa labas ako ng mansion, tanaw na tanaw ko ang mga bampirang abala sa paghahanda. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang kilalaning reyna ang isang Lalitang alagad ng isang demonyo. Siya ang dahilan kong bakit naging miserable ang buhay ko! tama lang na namatay siya. Hindi ko palalagpasin ito! kinasusuklaman ko siya!
Napasandal ako sa puno at doon ako umiyak.
Ikaw sana ang nagdusa Cloud!itinago ka ng mahabang panahon samantalang ako naghirap! ang mga magulang ko ay pinatay ng walang kamalay malay! ano pa ang silbi ng pagiging mabuti ko kong pati ang mga taong nakapaligid ay ang kumitil sa buhay ng mga magulang ko!
Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng mga magulang ko! papatayin ko kayo! Nangdilim ang aking mga paningin, sobrang nagalit ako sa aking nalaman.
Nariniring ko na ang tunog ng trumpeta. Alam kong magsisimula na ang pagdiriwang.
Bago matapos ang gabing ito kailangan kong makita ang susi. Bago iyon nagpalit ako ng damit, itinabi ko ang puting damit na ibinigay sa akin ni Patra. Pinalitan ko ng kulay itim na may malaking talukbong upang hindi nila ako makilala.
"Cloud saan ka pupunta? nagtago ako sa gilid ng marinig ko ang boses ni Scarlet.
"Hahanapin ko si Autumn.
"Wag mo na siyang hanapin, nandito naman ako.
Isinandal niya sa pader si Cloud at mabilis niya itong hinipo sa dibdib.
"Pakiusap Scarlet, hayaan mong hanapin ko si Autumn dahil magsisimula na ang pagdiriwang."
Hindi na sumagot si Scarlet dahil hinalikan niya sa labi si Cloud.
Hindi ako tumingin, kundi napatikom ang aking mga kamao. Napansin kong wala na ang ingay kaya sumilip akong bahagya.
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa aking nakita.
Napakaromantik ng kanilang ginagawa, ang mga halik na akala ko sa akin lang niya ginagawa.
Bumagsak ang aking mga luha sobra akong nasaktan. Isa siyang hangal katulad ng kanyang ama at ina hindi siya marunong tumupad sa pangako.
Dumaan ako sa harapan nila, at dahil natatakpan ang aking mukha hindi nila ako nakilala.
Isang bagay lang ang masasabi ko gusto niya rin ang ginagawa sa kanya ni Scarlet. Dahil hindi ko mapigilang magalit bumalik ako at nagpakita sa kanilang harapan.
"Nakatayo lang ako habang pinanunuod sila. Masarap ba siyang humalik? mag-enjoy lang kayo! sigaw ko at tinalikuran na sila.
"Autumn! banggit ni Cloud sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.
Sinundan niya ako pero hindi ako nagpapigil tumakbo ako ng kasing bilis ng lubo. Hanggang sa hindi niya na ako maabutan.
Wala nang dahilan pa para manatili sa mansion. Sisimulan ko ngayon na hindi kailangan ang tulong nila.
Kailangan ko munang mailigtas ang babaeng nasa kulungan. Kailangan kong makuha ang susi kay Scarlet.
Naalala ko ang sinabi ni Patra.
"Paano kung hindi ako sumipot?ano po ang maaaring mangyari?
"Ibig sabihin noon ay binastos mo ang pagiging kaluwalhatian ng ating mahal na reyna. Magigi kang hangal sa mata ng mga mabubuting bampira.
Hindi ako hangal kundi sila, sumasamba sila sa isang demonyo. Kinilala nilang reyna ang babaeng kasabwat ni Gabra.
Kung sa ngayon ay isa na akong hangal sa kanila wala na akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...