Nagsimulang maghasik ng lagim noong panahon pa ni Gabra ang isa sa mga pinakahari ng angkan ng masasamang bampira. Ngunit sa pamamagitan nina Sum at Min ay natapos ang kasamaan nito. Samantala si Diego na anak ni Gabra ang nagpatuloy upang sakupin ang buong sanlibutan. Lumikha rin si Diego ng kakaibang nilalang na tinatawag na bampirang hayop.
Para silang mga alien greys na malalaki ang ulo, malaki rin ang mga mata, ang pinagkaiba nga lang ay walang digestive system or sex organ at hindi rin nagsasalita dahil wala silang vocal chords. Samantala ang mga bampirang hayop ay may sex organ at meron din silang digestive system kaya kumakain sila ng mga laman ng tao, sumisipsip ng dugo at ang kanilang mga katawan ay may nakakatakot at nakakapandiri na para bang nabubulok na bangkay.
Ayon sa aking natuklasan kailangan nilang mahanap ang bangkay kung saan nakalibing ang aking kinilalang ina na si Maharlika, upang muling buhayin si Gabra sa pamamagitan ng pagpatak ng dugo sa kanyang bibig gamit ang pinaghalong dugo ng birheng lalake at ang anak ng dakila. At ang huling susi upang buhayin si Gabra ay ang pulang dugo na hawak ng goblin na si Liha.
Ngunit isa lamang ang natatanging paraan para matukoy o matunton nila ang libingan. Iyon ay ang mahanap nila ang isang berhing lalake na magdadala sa kanila sa libingan ni ina.
Walang ibang nakakaalam kung saan nakalibing si ina kundi ang aking Tito Mac at ang aking lola.
Ngunit paano nga ba matatahimik ang sangkatauhan kung may mga pangitaing nakikita si Patra na may isang huling maghahasik ng lagim at unti-unting sasakupin ang buong sanlibutan? Ito rin ang dahilan kung bakit hindi magiging masaya ang pag-iibigan nina Cloud at Autumn.
__________________________________________________
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...