"Sa wakas at naisuot ko na ang damit na inabot sa akin ni Patra. Sa tingin ko magugustuhan ako ni Cloud kapag nakita niya ako.
Humarap ako sa salamin at nagpaikot-ikot sa harapan. Hindi ko namalayan na sumabit ang laylayan ng aking damit sa gilid ng lamesa kaya nakabig ito at may isang bagay ang nahulog dahilan naman kung bakit nabasag ito at nakapagtamo ako ng malaking sugat.
Isang namumuong dugo ang pumatak sa sahig. Napatingin ako sa aking sugat at ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng mawala bigla ito.
Ibinaling ko ang aking paningin sa aking dugo na pumatak sa sahig at doon ko nakita na nalulusaw ito at para bang may humihigop dito.
Sinundan ko ang liwanag na bumabalot sa aking dugo hanggang sa makarating ako sa pinakailalim ng mansion.
Sobrang dilim ng bawat iskinitang dinadaanan ko. Nasasagip ng aking ilong ang mga alikabok, kahit madilim pakiramdam ko napakadumi ng lugar na ito.
Ganoon paman ay sinundan ko parin ang liwanag na bumabalot sa aking dugo.
Nagtaka ako nang marating ko ang isang lagusan na animoy isang silid na halos balutin ng liwanag na para bang may kakaibang nilalang ang nakakulong mula sa lumang silid. Sinilip ko ang silid dahil may parti itong bakal na nakapalibot.
Tumayo ang mga balahibo ko ng makita ko ang isang babae. Hindi ko siya makilala dahil sa napakadungis niya at ang kanyang kasuotan ay nagmistulang parang isang dekadang taon na ang nakalipas.
Ang kanyang napakagulong buhok ang dahilan kong bakit hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha.
Naningkit ang aking mga mata at hindi parin ako makapaniwala sa aking natuklasan at nakita.
"Ilang taon! ilang taon kong hinintay na magkita tayong muli anak ng dakila! Ang iyong dugo ang daan para matuklasan ang kinaroroonan ko! Sabi niya at lumuhod siya sa harapan ko.
Mangiyak-ngiyak siyang sumamba sa akin kaya nagtaka ako at hindi ko siya maintindihan.
"Si-sino ka?
"Ako ang susi ng lahat! ako ang magbubunyag ng katotohanan anak ng dakila! Ito na ang takdang oras para malaman mo ang lahat! Pero bago iyon kailangan mo munang makinig sa akin.
"Kailangan ba kitang pakinggan?o baka isa ka sa mga kampon ni Gabra! Hindi ko alam kong isa ka sa mga demonyo o masamang espirito na galing sa kadiliman!
"Kapag nagsimula na ang pagdiriwang hanapin mo ang babaeng may pangalang Scarlet. Kunin mo sa kanya ang susi kapag nakuha mo ang susi makakalabas na ako. Siya ang anak ng demonyong umagaw sa asawa ko! isa siyang halimaw!alagad ni Gabra! gusto kong maghiganti sa lahat ng mga ginawa nila sa akin! mga hayop sila!
Napalunok ako dahil ramdam ko ang galit niya. Gusto kong makilala kong sino ang babaeng ito. Gusto kong malaman kong ano ang sinasabi niyang siya ang susi sa lahat.
"Kung ganoon paano kita pagkakatiwalaan?
"Hindi ko kailangan ang isang patunay para paniwalaan mo. Isa lang ang aking nais, ang mabunyag ang katotohanan! at makita ang aking anak.
Nang banggitin niya ang kanyang anak ay bigla siyang humagulhol.
"Pakiusap ikaw lang ang makakatulong sa akin. Kaya tulungan mo akong makalabas dito. Ikaw ang anak ng aking matalik na kaibigan na sina Min at Summer, ikaw si Autumn ang anak ng dakila."
"Min at Summer? tanong ko, kinabahan ako at biglang nagulat sa sinabi niya. Naguluhan ako lalo na noong banggitin niya ang pangalang Min at Summer.
"Oo sila ang tunay mong mga magulang.
Naalala kong bigla ang puntod na minsan na naming pinuntahan ni Heraz. Kung hindi ako nagkakamali ang nakalibing doon ay ang tunay kong mga magulang na sinasabi ngayon ng babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...