Huminto kami sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Nauna siyang bumaba ng kabayo at pagkatapos ay inabot niya ang aking kamay para alalayang makababa.
Inabot ko naman at maingat akong nakababa ng kabayo. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at nagustuhan ko ang lugar.
Para itong isang harden na tanging mga bulaklak lamang at mga nagliliparang paru-paro na iba't-ibang kulay ang naliligaw sa lugar. Isang malawak na ngiti ang kumawala sa aking labi.
"Nagustuhan mo ba? mahina niyang tanong sa akin.
"Sobra," sobrang nagustuhan ko ang lugar na ito Cloud."
"Alam ko kasing mahilig ka sa mga bulaklak kaya naisipan kong dalhin ka rito. Siya nga pala simula ngayon ito na ang lugar na magiging tahanan natin na walang nakakaalam kundi tayo lang na dalawa.
Imbis na pakinggan ko siya mas binigyan ko ng pansin ang kulay dilaw na paru-paro na dumapo sa aking balikat.
Namangha ako at natuwa dahil ito ang unang pagkakataon na may dumapong paru-paro sa akin.
"Cloud tingnan mo oh, mukha yatang masaya ang paru-parong ito na nakita ako, ibig sabihin maluwag na pinapayagan nila akong pumunta sa lugar na ito.
"Oo naman, ang isang katulad mo na kasing ganda ng lugar na ito ay talagang tatanggapin nila dahil ikaw ang prinsesa nila. Pero syempre para sa akin ikaw ang dyosa ng mga mabubuting bampira.
"Salamat Cloud, napakasaya ko ngayon dahil sinama mo ako rito.
Tiningnan niya ako sa mga mata at kinuha ang aking kamay. Pagkatapos ay kanyang hinalikan kasabay noon ang pagsuot ng singsing sa aking daliri.
"Simula ngayon ikaw na ang aking asawa, ang asawa kong dyosa, matapang, matatag, mapagmahal at mabait. Lubos kitang nagugustuhan at lubos mong binihag ang aking puso kung kaya't ayaw ko ng mawala ka pa sa akin."
Maya-maya ay may kinuha siya sa kanyang bulsa at kanya itong pinakita sa akin.
"Makinig ka Autumn, itong singsing na ito ay kapares ng singsing mo, ibig sabihin ako na ang asawa mo simula ngayon, saksi ang mga bulaklak, mga paru-paro at ang kapaligiran na tayo ay mag-asawa na. Sa oras na nawala ang singsing na ito sa mga daliri natin ibig sabihin wala ng bisa ang paggiging mag-asawa natin. Kaya ingatan mo iyan Autumn at huwag na huwag mong tatanggalin sa daliri mo.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Basta napakasaya ko at wala ng kapantay ang lahat ng mga sinabi niya. Napahawak ako sa kanyang pisngi at niyapos ko ito.
"Pangako hinding-hindi ko ito wawalain, tulad ng sinabi mo iingatan ko ito dahil gusto ko habang buhay na akong asawa mo. Ikaw at ako ay iisa kaya isang bagay lang ang aking hihilingin iyon ay ang mahalin ka ng tapat, totoo at walang hanggan.
Napangiti siya sa akin kaya mahigpit na yakap ang aking natanggap.
"Salamat Autumn, kamatayan lang ang tanging makakapaghiwalay sa atin. Pero kahit dumating man sa puntong iyon mananatili ka parin sa puso ko.
Humiwalay ako mula sa yakap niya at kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang saya. Pinunas niya naman agad iyon hanggang sa unti-unti ng lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
Napapikit na lamang ako upang hintayin na dumampi ang kanyang labi. Hindi nga ako nagkamali at naramdaman ko iyon. Isang mainit na mga halik ang sumalubong sa labi ko kasabay noon ang pagbuka ng aking labi upang gantihan siya. Napahawak siya sa aking baywang at pinulupot ko naman ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
Naramdaman kong huminto siya sa paghalik.
"Bakit? tanong ko.
"Hindi ko akalain na mahahalikan ko ulit ang babaeng suplada noon, sabay halik ulit sa akin. At ginantihan ko naman pagkatapos ako naman ang huminto sa paghalik.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...