Cloud Pov...
Mahigit Isang buwan na ang nakalipas bago ang nangyari kay Autumn. Gabi-gabi lagi akong pumupunta sa bangin para tawagin ang kanyang pangalan.
Wala rin akong pinapalagpas na gabi na hindi ako pumupunta sa lugar na kaming dalawa lang ang nakakaalam, na baka sakaling pagdating ko roon ay maabutan ko siya. Pero lagi akong nabibigo, parang ayaw ko ng ipagpatuloy pa ang aking buhay na hindi siya kasama.
Heto ako ngayon nakaupo habang pinagmamasdan ang singsing namin.
"Simula ngayon ikaw na ang aking asawa, ang asawa kong dyosa, matapang, matatag, mapagmahal at mabait. Lubos kitang nagugustuhan at lubos mong binihag ang aking puso kung kaya't ayaw ko ng mawala ka pa sa akin.
"Makinig ka Autumn, itong singsing na ito ay kapares ng singsing mo, ibig sabihin ako ang asawa mo, saksi ang mga bulaklak, mga paru-paro at ang kapaligiran na tayo ay mag-asawa na. Sa oras na nawala ang singsing na ito sa mga daliri natin ibig sabihin wala ng bisa ang kasal natin. Kaya ingatan mo 'yan Autumn at 'wag na 'wag mong tatanggalin sa daliri mo.
"Pangako hinding-hindi ko ito wawalain, tulad ng sinabi mo iingatan ko ito dahil gusto ko habang buhay na akong kasal sa'yo. Ikaw at ako ay iisa kaya isang bagay lang aking hihilingin iyon ay ang mahalin ka ng tapat at walang hanggan.
"Salamat Autumn, kamatayan lang ang tanging makakapaghiwalay sa atin. Pero kahit dumating man sa puntong iyon mananatili ka parin sa puso ko.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang naaalala ang mga sandaling iyon. Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang sakit, at sa bawat oras na lumilipas para bang nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay pa.
"Cloud anak, pwede ba akong pumasok? sigaw ni ina habang nasa labas ng silid ko.
"Pasok! sagot ko naman.
Nakita kong bumukas ang pinto at bumungad sa akin si ina. Nilapitan niya ako at pansin kong nagulat siya sa kanyang nakita. Alam niya kasing umiiyak ako kaya naman niyapos niya ang balikat ko at kanyang niyakap.
"Hindi kana lumalabas ng silid mo anak, lalabas ka lang kapag may gusto kang puntahan, hindi kana rin kumakain, nag-aalala na kami sa'yo.
"Ma, hindi ko na kayang mabuhay pa."
"Wag mong sabihin 'yan Cloud, narito naman kami ng papa mo para sa'yo, at ang lola mo. Purki wala na si Autumn mawawalan kana ng ganang mabuhay?Anak, kailangan mong magpakatatag at isipin mong nandyan lang siya sa tabi mo. 'Wag kang susuko at tuloy lang ang buhay.
"Mahirap ma, pwede bang mawala na rin ako?
"Cloud hindi matutuwa sa sinasabi mo si Autumn. Minsan lumabas ka at kailangan mong maglibang dahil kung parati kang nandito sa silid mo hindi mawawala iyang sakit na nararamdaman mo.
"Kailangan ko munang mapag-isa ma, iwan mo po muna ako, pakiusap."
"Sige basta tandaan mo ang lahat ng mga sinabi ko, ha?
Tumango lang ako at muli kong itinuon sa singsing ang aking paningin.
"Tama nga si mama, kailangan kong maging malakas para sa'yo Autumn, hahanapin kita, hahanapin ko kung saan kaman naroroon at hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita ang katawan mo. Naniniwala akong buhay ka. Sabi kong mahina.
Isang umaga lumabas ako sa aking silid para uminom ng sariwang dugo. Hinahanap ko si Patra dahil siya ang naghahanda para sa inumin ko. Hindi ko siya makita kaya lumabas na lang ako ng mansion.
Tirik na tirik ang araw, inunat ko ang kaliwang palad ko at sinalo ko ang sikat ng araw at doon ko nakita na umuusok ito. Unti-unting nasusunog ang aking palad, pero nanatili lang akong nakatayo at pinagmamasdan ang aking palad.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampirosAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...