Chapter 39

73 2 0
                                    

Nam pov...

"Magpakasal ulit tayo Cloud, gusto kong maging masaya ang pangalawang kasal natin. At gusto ko wala ng hahadlang.

"Pero kasal na tayo diba? siguro ayos na iyon.

"Hindi! hindi maayos dahil para sa akin ang kasal na iyon ay parang isang laro lamang dahil sa kagagawan ni Autumn. Kaya kausapin mo sina tita at tito na magpakasal tayo.

"Sige kong iyan ang nais mo magpapakasal tayo. Isasabay natin sa pagdiriwang ngayong nalalapit na kabilugan ng buwan.

"Salamat, ang araw na iyon ay paghahandaan ko. Nasasabik na ako Cloud at niyakap niya ako.

"Hindi! hindi! hindi!" napabangon ako dahil sa isang panaginip. Pakiramdam ko totoong totoo ang nasa panaginip ko. Napasandal ako sa dingding at naalala ko ang pangalan na nakita ko sa aking panaginip.

"Sino si Cloud? sino si Autumn? bakit ako nananaginip ng ganu'n? Tanong ko sa aking sarili. Bumalik sa reyalidad ang aking diwa ng biglang bumukas ang pinto ng silid ko.

"Ate Nam! ate Nam! ayos ka lang ba? nag-aalalang tanong ni Kim Nam sa akin. Tumango naman ako at inayos ang aking sarili. Maya-maya ay pumasok rin ang kanyang ama na may dalang tubig. Inabot nila ang tubig at pinainom sa akin.

"Nam, kanina kapang nakakulong dito sa silid at narinig naming sumisigaw ka kaya hindi na kami nagdalawang isip na pumasok. Ano bang nangyayari sa'yo? ayos ka lang ba?

"Ayos lang po ako 'wag po kayong mag-alala nanaginip lang po ako, sabi ko at kumalma naman sila.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? tanong ulit ng kanyang ama. Tumango ako at ngumiti sa kanila.

"Gusto ko lang pong mapag-isa, kung maaari iwan niyo po muna ako. Huwag na po kayong mag-alala dahil ayos naman ako, salamat na lang po sa pag-aalala, mahina kong sabi at bahagya akong ngumiti para ipaabot sa kanila na maayos ang lagay ko.

Lumabas naman sila agad at mahinang sinara ang pinto.

"Ikaw kasi kuya eh! tingnan mo oh! ngayon nag-aalala tuloy ako kay ate Nam!"

"Kamusta ang lagay niya Kim Nam? ayos lang ba siya?

"Sabi niya ayos lang daw pero sa palagay ko hindi, kaya kasalanan mo kung bakit nagkaganu'n siya! akala mo hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo kagabi? Hoy! pangit na Shim sinigawan mo si ate Nam!

"Hindi ko gusto ang nangyari, hindi ko 'yon sinasadya."

"Kung ganu'n humingi ka ng tawad sa kanya!

"Sige, pero mamaya na lang kapag lumabas na siya ng kanyang silid.

"Napakaduwag mo talaga! alam mo kuya kung ako sa'yo papasok ako at susuyuin siya. Hihingi ako ng tawad at magmamakaawa sa kanya at sasabihing hindi ko na uulitin iyon.

"Bakit ko naman gagawin iyon?

"Ayaw mo? aarte kapa kuya, ikaw ang may kasalanan kaya gawin mo na, dali na!"

"Napakatabil talaga ng dila mo! ito na nga oh papasok na."

"Dali na, kumatok ka.

"Gagawin na nga oh. Aburido niyang wika at tumayo na sabay lapit sa pinto. Binibini papasukin mo ako! ako ito si Shim!

"Nam, Nam ang pangalan niya ano ba kuya?

"Heee! tumigil ka dyan! lumabas kana nga ng bahay para makapag-usap kami ng ate mo.

"Oo na po kuyang masungit basta galingan mo. Sabay kindat at lumabas na ng bahay.

"Binibini papasukin mo ako! pakiusap mag-usap tayo! Malakas niyang sigaw.

Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon