Naglalakad ako ngayon papunta sa Cr dahil kanina pa ako ihing ihi.
Yakap-yakap ko ang dalawang libro habang nakasabit naman sa aking balikat ang kulay itim kong bag.
Natigilan ako ng may isang lalake ang nakatayo malapit sa pintuan ng Cr.
Napaatras ako dahil kilala ko siya, plano kong bumalik pero mabilis niya akong hinarangan.
"Tulong! sigaw ko pero walang nakarinig sa akin. Wala ring mga studyanteng napadpad malapit sa area na ito. Sa pangalawang pagkakataong sisigaw ako hindi ko na nagawa dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Sumama ka sa akin aking binibini, sabi niya habang nakatawa pa.
Hindi ako makasagot at pumapalag ako mula sa pagkakahawak niya sa bibig ko.
"Kapag hindi ka sumama sa akin uubusin ko ang mga studyante rito!
Napatingin ako sa paligid at may nakita akong dalawang studyanteng duguan. Kumirot ang aking dibdib dahil sa galit.
Napatiklop ang aking mga kamao at agad ko siyang siniko patalikod kaya nakalayo ako sa kanya.
"Hindi mo ako makokombinsing sumama sayo! halimaw! panget mo pa! masama! sigaw ko. Pinahid ko ang aking bibig dahil pakiramdam ko parang may malagkit na hindi ko maintindihan ang amoy, pagtingin ko may dugo ang aking kamay nagkalat rin pati sa uniform ko.
"Tayo na aking binibini bago pa magdilim ang paningin ko.
Kusa niyang hinawakan ang kamay ko at sapilitang hinila para sumama sa kanya.
"Bitawan mo ako! sinabi ng bitawan mo ako! sigaw ko sa kanya. Maya-maya pa ay may napansin akong studyante na tila ba nakatingin lang sa amin kaya napasigaw ako para humingi ng tulong.
"Tulungan niyo ako! sigaw ko pero nawala sila bigla.
Nang bumalik ang studyante ay natuwa ako dahil may kasama na itong mga professor, lumakas ang loob ko dahil matutulungan na nila ako.
Napasulyap ako kay Diego na aking ikinagulat. Bigla na lang siyang naglaho sa tabi ko.
Hindi ko alam ang gagawin dahil baka iba na naman ang isipin ng mga studyante at mga professor.
"May patay! sigaw ng isang studyante dahil nakita niya ang pinatay ni Diego.
Natakot sila sa akin kaya naman pinagbabato nila ako.
"Siya! siya ang pumatay kay Carlo at Bianca! nakita ko siya kanina at may kasamang panget na lalake! malamang magkasa sila!
Napalunok ako at napailing dahil nagkamali siya ng bintang sa akin.
"Hindi! hindi ko siya pinatay!kundi ang masamang bampirang gusto akong kunin! maniwala kayo sa akin!"
"Kung hindi ikaw ang pumatay bakit may dugo ka sa iyong bibig? at pati sa uniform na suot mo? mukha namang iyan ang patunay para maniwala kaming ikaw nga ang pumatay sa kanila! sabi naman ng isang lalakeng professor na nakinig sa studyante niyang hindi naman alam ang tunay na nangyari.
Maya-maya pa ay may mga dumating na mga pulis. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
Hinuli nila ako, pinusasan. Wala akong mukhang ihaharap habang naglalakad papunta sa sasakyan.
Maraming mata ang nakatingin sa akin at iba ibang negative na salita ang aking naririnig.
"Autumn! sigaw ng lalake na pamilyar sa akin ang boses.
Napalingon ako sa kanya.
"Renz? banggit ko, biglang bumagsak ang luha ko. Nakita kong papalapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...