Cloud Pov.....
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko siya.
Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatayo at nakatitig kami sa isat'isa hindi ko mapigilan ang aking sarili. Isang hakbang na lang ay mahahalikan ko na siya. Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman na pumatak sa aking labi ang kanyang mga luha at sa pagpatak ng kanyang mga luha ay para bang nakaramdam ako ng kakaiba na parang may natutunaw sa buong katawan ko. Mga ilang sandali lamang ay biglang sumakit ang ulo niya kaya nag-alala ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba binibini? tulungan na kita halika. Sabi ko.
"Nahihilo ako, mahina niyang sabi kaya tinanggal ko ang panwelo niya at nakita ko ang kanyang mukha. Nagulat ako at nag iba ang ekspresyon ng makita ko ang kanyang mukha dahil pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya. Bubuhatin ko na sana siya para tulungan ng bigla siyang hablutin sa akin ni Heraz at bigla na lang silang naglaho.
Nang mga oras na iyon ay halos hindi ko na makalimutan ang babaeng bumangga sa akin. Gusto ko siyang sundan at alamin kong sino siya. Para bang may tumutulak na alamin ko ang pagkatao niya at pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya.
Nag-umpisa na ang aming kasal. Nakatayo ako sa unahan katabi ang lalakeng magbabasbas sa amin ni Scarlet. Napatingin ako sa mga bisitang dumalo, maraming gumugulo sa aking utak. Mga katanungan na gusto kong masagot kong bakit hindi sila masaya sa araw ng aming kasal. Hanggang sa napadako ang tingin ko kay ama at ina na pilit na pinapaintindi sa akin kung sigurado ba ako na pakasalan si Scarlet. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata at labi na hindi sila masaya. Muli kong nilibot ang aking mga mata para bang may kulang. Lumapit ako kay ama at tinanong ko siya..
"Bakit wala si lola? tanong ko.
"Ikinalulungkot ko pero hindi makakadalo ang lola mo anak.
"Bakit ama?"
"Mas mabuting ang lola mo na lang ang tanungin mo Cloud. Bumalik kana dahil mag-uumpisa na ang seremonya. Tumango na lang ako at bumalik na sa unahan hanggang sa nakita ko na si Scarlet. Hindi ko maitatanggi ang taglay niyang kasuotan ngayon napakaganda ng kabuuan niya. Habang naglalakad siya isang babae lamang ang naiisip ko. Hindi ko mawari kung bakit pilit parin siyang naglalaro sa aking isipan. Ang babaeng pinangakuan ko noon at malakas ang kutob ko na ang tinutukoy ng puso ko ay ang nakita ko kanina.
"Oo naman, ang isang katulad mo na kasing ganda ng lugar na ito ay talagang tatanggapin nila dahil ikaw ang prinsesa nila. Pero syempre para sa akin ikaw ang dyosa ng mga mabubuting bampira.
"Salamat Cloud, napakasaya ko ngayon dahil sinama mo ako rito."
"Simula ngayon ikaw na ang aking asawa, ang asawa kong dyosa, matapang, matatag, mapagmahal at mabait. Lubos kitang nagugustuhan at lubos mong binihag ang aking puso kung kaya't ayaw ko ng mawala ka pa sa akin.
"Makinig ka Autumn, itong singsing na ito ay kapares ng singsing mo, ibig sabihin ako ang asawa mo, saksi ang mga bulaklak, mga paru-paro at ang kapaligiran na tayo ay mag-asawa na. Sa oras na nawala ang singsing na ito sa mga daliri natin ibig sabihin wala ng bisa ang kasal natin. Kaya ingatan mo 'yan Autumn at 'wag na 'wag mong tatanggalin sa daliri mo.
"Pangako hinding-hindi ko ito wawalain, tulad ng sinabi mo iingatan ko ito dahil gusto ko habang buhay na akong kasal sa'yo. Ikaw at ako ay iisa kaya isang bagay lang ang aking hihilingin iyon ay ang mahalin ka ng tapat at walang hanggan.
"Salamat Autumn, kamatayan lang ang tanging makakapaghiwalay sa atin. Pero kahit dumating man sa puntong iyon mananatili ka parin sa puso ko.
Bumalik ang aking diwa at napatingin ako kay Scarlet na papalapit na sa akin. Nakangiti siya, pagdating niya maingat kong inabot ang kamay ko at inalalayan siyang makahakbang dahil medyo pataas ang pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker
Ma cà rồngAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...