Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang pumasok sa aking katawan, at unti-unti itong binuhay ang aking dugo dahilan kung bakit bigla na lang akong napabangon.
Napatingin ako sa buong paligid, at nagtataka kung bakit wala na sa aking harapan ang masasamang bampira.
Saka ko naalala na natalo ko pala sila at ang huli ay ang mawalan ako ng malay. Hindi ko na rin alam ang mga sumunod pang nangyari.
"Si Scarlet bakit niya ako hinayaang haraping mag isa ang mga bampira? sabi ko sa aking isip.
Nilibot ko ang aking mga mata, nalaman kong nakahiga na ako na para bang nasa isa akong silid.
Bahagya akong tumayo at sumilip sa labas. Parang pamilyar sa akin, doon ko nalaman na nasa kubo pala ako ni Heraz.
Bumalik ako sa higaan at napabaluktot. Medyo masakit ang aking katawan, bumangon ako ulit at naupo muna. Naningkit ang aking mga mata ng mapansin kong iba na ang aking kasuotan.
Tiningnan ko ulit ang aking sarili, hindi ko mapigilan pero napatili ako ng malakas.
"Aaahhhhhhhh hindi!
Isang malakas na katok ang narinig ko mula sa labas ng pinto.
"Autumn gising kana pala, sabi niya na kakapasok pa lang.
"Huwag kang lalapit! Sigaw ko sa kanya.
"bakit? ani ni Heraz.
"I-ikaw ba ang nagpalit sa akin ng damit? sabay turo ko sa aking sarili.
Natawa siya at naupo sa dulo ng higaan.
"Bakit inisip mo bang may nawala sa'yo? hahaha!
Naningkit ang mga mata ko dahil tawa pa siya ng tawa na aking ikinainis.
"Ibig sabihin nakita mo ang buo kong katawan? Ang lahat-lahat? na-nahawakan mo ang ka-ka-tawan ko?! nauutal kong sabi pero tumatawa parin siya.
"Pwede ba huminahon ka muna."
"Paano ako hihinahon kong tawa ka ng tawa dyan!
Binato ko siya ng unan at tumalikod sa kanya dahil nahihiya ako.
"Pagsalitain mo kasi ako, eh ano naman kung nakita ko iyan?hahahaha
Tawa pa niyang sabi, kampante lang ako dahil nag iipon ako ng lakas para sipain siya.
"Kahit papano ginagalang ko ang isang babae, huwag mo akong pag isipan ng masama. Wala akong nakita at wala akong nahawakan, Si Patra ang nagbihis sa'yo at hindi ako.
Napahiya ako dahil akala ko siya ang nagbihis sa akin. Vsksgaoanwgakoxncmifab fjagl iyon ang nasa isip ko blangko..
"Paumanhin kong napag isipan kita, ano kasi natakot lang ako alam mo naman na iniingatan ko ang katawan ko. Ito lang ang bukod tanging kayamanan ko, paliwanag ko sa kanya habang nakayuko.
"Nakakatuwa ka talaga Autumn, gusto mo ba ng mainit na sabaw?o mainit na kape?
"Mainit na kape, sabay ngiti dahil masarap siyang magtimpla ng kape.
"Dyan ka lang at gagawan kita. Sabi niya at lumabas na siya.
Iba din ang karisma niya sa akin kumpara kay Renz. May dating rin sa akin si Heraz. Pero mas lumalakas ang pintig ng puso ko kapag si Cloud ang kaharap ko.
Inayos ko ang aking sarili, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang kusina, nadatnan kong abala si Heraz sa pagtitimpla ng kape.
"Bakit ka lumabas? sana hinintay mong matapos ito. Wika niya habang nakatalikod sa akin.

BINABASA MO ANG
Blood Sucker
VampireAng terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira...