03

150 6 18
                                    

Jungmin's

Matapos ang ilang round ay nagdecide na rin silang umuwi dahil may aasikasuhin pa raw sila Daniel at Jisung.

Kanya-kanyang mundo na ulit.

Nasa living room silang lahat. Si Jiyoung nakahiga sa lap ni Jinyoung na nakatutok sa tv. Si Hwayoung at Jaenin naman may pinagkakaabalahan ewan ko kung ano. Si Hyorin, tulog. Si Yoonjung nagbabasa ng libro.

"Jin. Yung rank mo, nabawi mo naman ba?"

Napangiti lang si Jinyoung at marahang pinisil yung ilong ng kapatid niya.

"Ji, wala naman sa akin kahit di ko mabawi yung rank na yun. Mas mahalaga ka sa rank ko."

Nung mga time na yun kasi wala talagang kinakausap si Jiyoung bukod sa kapatid niya. Nagsabay-sabay kasi lahat ng downfall niya. 2 weeks siyang nasuspend which caused all her grades to fail. Dahil yun sa ginawa niyang pananapak doon sa dating jowa ni Jinyoung. Dapat 1 week lang yun kaso ginawang 2 weeks dahil yung babae pala ay pamangkin nung dean. Pagbalik niya ay umani siya ng maraming haters dahil sa nangyari. Yung babaeng yun kasi ang kilalang Queen Bee ng school.

Wala naman sana sa kanya yun. Kaso nasabay din na yung almost relationship niya with the first man she loved aside from her brother also failed. Sobrang bagsak na siya nun to the point na kahit kami hindi niya na kinakausap. Hindi siya lumalabas ng kwarto niya kaya nagdecide si Jinyoung na hindi muna pumasok kahit magiging risk yun para sa grades niya. Jinyoung was the top in class that time. Yet he decided to be with her hanggang sa eventually nakabawi si Jiyoung.

May mali si Jiyoung, yes. Pero wala kay Jinyoung yun. Hindi na rin yata nabawi ni Jinyoung yung rank niya at nagstay na siya sa 3rd place hanggang sa natapos yung sem.

"Hoy. Naiayos mo ba yung pinapaayos ko?" sweet Jiyoung no more.

"Oo naman. Ako pa ba." sagot ni Jinyoung.

Maniwala ako sa'yo Jinyoung. Malamang halo-halo na yung damit nilang dalawa. 😂

"Ji, saan niyo nabili yung honey bbq chicken kanina?" tanong ni Hyorin na halos kagigising lang.

"Ewan ko dito. Nakita ko lang sa ref yun kanina eh. Pinainit lang namin." sagot ni Jiyoung.

"Dyan lang yan. Sa may kanto." sagot naman ni Jinyoung.

"Gago. Wala ngang pagkatindahan dyan sa kanto." - Hyorin

Ayan. Sa may kanto pala ha. 😂

"Doon yata yan sa madalas namin kainan ni Daehwi." sagot ni Yoonjung.

Bigla namang tumawa nang malakas si Jiyoung. Hala gago?

"Huy. Tawa ka dyan?" saway ni Hyorin.

Natigil din naman sa pagtawa si Jiyoung.

"Amoy selos, frens." nakangiting sabi ni Jiyoung at bumangon na mula sa pagkakahiga niya kay Jinyoung.

"Wuvyou, Jinjin!" sigaw niya at umakyat na papuntang kwarto.

"Gago!" sagot ni Jinyoung.

Aah. Parang nagets ko yung sinabi ni Jiyoung.

"BAE JINYOUNG! WALANGHIYA KA. SABI KO AYUSIN MO HINDI PAGHALU-HALUIN YUNG MGA DAMIT NATIN!" malakas na sigaw ni Jiyoung.

Sabi na eh. 😂

"Wag kang maarte sinusuot mo rin naman yung damit ko." sagot ni Jinyoung na umakyat na rin papuntang kwarto nila.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon