Third Person
Busy lahat ng tao sa bahay. Andyan si Hwayoung na inaayusan ng buhok si Daniel, si Jiyoung na ginugulo na yung kapatid niya, si Hyorin na katatapos lang maligo at magbihis, si Jungmin na nagwawalis sa kusina, si Jaenin at Yoonjung na nag-aayos pa sa kwarto nila, at yung iba na kanya-kanyang ayos ng mga suot nila.
"Maligo ka na nga doon! Baho mo." pagtataboy ni Jinyoung sa kapatid niyang kanina pa siya hinaharot.
Sa paanong paraan?
"Jiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin." tapos tatawa sabay yayakap kay Jinyoung.
Walang nakakaalam kung anong nakain ng taong to at ba't ginaganyan niya yung kapatid niya ngayon.
"Maligo ka na, Ji! Anong oras na o!"
Nagtatampong Jiyoung in 3, 2, 1.
"K." nakayukong sagot ni Jiyoung at umakyat na.
At dahil si Jinyoung ay si Jinyoung, sinundan niya yung kapatid niya paakyat.
"Tampo ka na naman." sabi ni Jinyoung pagpasok niya ng kwarto nila.
Hindi siya pinansin ni Jiyoung at nagpatuloy na sa paghahalungkat ng isusuot niya.
"Ji." tawag ni Jinyoung at nilapitan yung kapatid niya.
"Doon ka na. Pangit mo." sagot ni Jiyoung at nilayasan yung kapatid niya.
Eh nahawakan yung braso niya.
Edi tapos na ang pag-iinarte ni Jiyoung.
"Kunwari ka pa eh. Gusto mo lang naman ng lambing ni kuya mo." wait, I'm soft. uwu
Inform ko lang kayo na yakap ni Jinyoung si Jiyoung nung sabihin niya yan.
"O, tatampo ka pa?" nakangiting tanong ni Jinyoung habang yakap pa rin yung kapatid niya.
"Heh." pagtataray pa kunwari ni Jiyoung.
"Jiyoung cuuuuu." natatawang sabi ni Jinyoung at hinigpitan pa yung yakap kay Jiyoung.
Another treasured lambingan ng Bae twins. ㅜㅜ
Sa kabilang dako naman ay nakapila sina Jaehwan, Jisung, Jihoon, Woojin, at Daehwi kay Hwayoung na kasalukuyang inaayusan ng buhok si Seongwoo.
Sina Daniel, Minhyun, Guanlin, at Sungwoon naman busy na sa pagrerecall ng steps nila at konting ayos pa sa mga suot nila.
Mabilis na lang ding naayusan ng buhok yung iba. Lahat din ng mga babae ayos na.
Kaso may isang problema.
"Hwayoung, panecktie ako." nahihiyang sabi ni Daniel at iniabot kay Hwayoung yung necktie niya.
"Ba yaaaaaaaaaan. Kalalaking tao hindi marunong magsuot ng necktie." isinabit ni Hwayoung yung necktie sa leeg ni Daniel tapos hinila niya nang bahagya.
At yun naman ang ginawang way ni Daniel para magpatangay kunwari at lumapit nang todo kay Hwayoung.
"Ano kamo?" nakasmirk na tanong ni Daniel na ikinapula ni Hwayoung.
"W-wala! Sabi ko ang lapit mo sobra. Sakalin kita eh." lumingon palayo si Hwayoung habang nagsasalita. Natawa lang si Daniel at inilayo na rin yung mukha niya.
Malandi ka, Kang Daniel. :(
"Jaeniiiiiiiiiiiiiiiiiiiin! Panecktie ako hehehehehehe." pagpapacute ni Jisung at nilapitan si Jaenin.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.