Third Person's
"O, ayos na kayong lahat? Tara na, para makapwesto sa harapan sila Jaenin." tawag ni Jisung.
Nagsipagsuot na sila ng sapatos at lumabas.
Mabilis lang naman yung naging biyahe nila. Siguro nasa 20 minutes lang.
9:15 pa lang nung dumating sila pero marami-rami nang tao.
Iba't-ibang ingay din ang maririnig. May tilian, sigawan, malalakas na music, tawanan, basta marami.
Pagpasok nila sa mismong gaganapan nung contest ay napuno ng sigawan at tilian yung buong venue dahil sa mga fans ng Wanna One. Yung tipong nanunuot sa eardrums, ganon.
"Ang iingay naman ng mga taong to." iritang sambit ni Jiyoung.
Maingay yan pero bwisit na bwisit siya kapag yung paligid ang maingay. Basically, gusto niya siya lang yung maingay.
"Park Jihooooooooooon!" nagpintig naman bigla ang tenga ni Jiyoung sa narinig.
Nakita niyang nginitian ni Jihoon yung babae kaya nairita siya lalo.
"Inanto. Akala mo naman pagkaganda-ganda." napairap si Jiyoung.
Hinila naman siya ni Jinyoung tapos niyakap.
"Selosa." natatawang bulong ni Jinyoung sa kapatid niya.
"Tch." iritadong sagot ni Jiyoung at inirapan yung kapatid niya. Pero hindi siya kumalas sa pagkakayakap ni Jinyoung.
"Kinakabahan kaaaaaaa." natawa si Jiyoung at tumingala para magmeet yung mukha nila ni Jinyoung.
"Nararamdaman ko." dugtong niya at tinawanan si Jinyoung.
Nakabackhug kasi sa kanya si Jinyoung kaya nararamdaman niya sa likod niya yung heartbeat ni Jinyoung.
Hindi naman siya pinansin ni Jinyoung at nanatili lang sila sa ganung posisyon. Umikot si Jiyoung at hinarap yung kapatid niya tapos yumakap. Yie qt.
"Kinakabahan Jinyoung cu hihi. Kaya mo yan. Ang galing-galing niyo eh."
"Tsaka, hello. Sino na nga ba ulit tong kausap ko? Si Bae Jinyoung diba?"
"Balita ko maraming nababaliw sa kanya dahil nagiging illegal yan pag sumasayaw eh." at natawa si Jiyoung kaya natawa rin yung kapatid niya.
"Ikaw nga nagtuturo sa akin eh, diba?" nakangiting tanong ni Jiyoung at tinitigan sa mata si Jinyoung habang nakangiti.
Ngumiti lang si Jinyoung at pinisil yung ilong ni Jiyoung.
"Tara, isang pasada." palihim na tinawag ni Jisung yung mga iba nilang kasama.
"Paano sila?" tanong ni Daniel na nakatingin kila Hwayoung na busy magkwentuhan at magtawanan.
"Hayaan mo, di nila tayo mapapansin." sagot ni Jisung at nagsimula nang lumakad sa gitna ng maraming tao para lumabas ng venue at maghanap ng pagpapracticean nila.
"Paano sila?" napatigil si Jisung sa paglalakad at nilingon yung direksyon na itinuro ni Woojin at nakita ang magkapatid na Jinyoung at Jiyoung na magkayakap habang nagkukwentuhan.
"Ako na bahala." sagot ni Jisung kaya tumango si Woojin at sinundan na ang leader nila palabas ng venue.
Hindi nagtagal ay nakahanap din agad sila ng pagpapracticean.
Tinawagan naman ni Jisung si Jinyoung para papuntahin na siya at makapagsimula na sila.
Napabitaw sa pagkakayakap si Jinyoung kay Jiyoung nang maramdaman niyang nagvibrate ang phone niya sa bulsa niya.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.