Jiyoung's
PUTAENAAAAAAAAAAAAA.
Kanina pa ako palakad-lakad at hindi mapakali. Labas-masok ako ng office ko, daig ko pa nagrarounds kahit wala namang nakaassign na pasyente sa akin as of now.
Taena talaga. Paano kumalma mga mare.
Para akong hihimatayin sa sobrang kaba punyeta.
Kulang na lang pasukin ko pati mga operating room at delivery room haup.
Ma help. ;-;
Sinundan ko yung mga nurses kahit hindi ko sigurado kung saan sila pupunta.
"O, Dra. Bae, bakit ka nandito?" gulat na tanong sa akin ni Dr. Jinhyuk.
Nagpalinga-linga ako at napagtanto kong nasa loob ako ng delivery room.
Putangina. Neurologist ako pero bakit ako nandito.
Hindi ko na siya sinagot at nagmadali nang lumabas.
Lalo akong kinabahan kasi mare, sa dami ng lugar dito sa ospital, sa delivery room pa ako napadpad.
Bakit ako kinakabahan?
NGAYON KASI LALABAS YUNG BABY NI JUNGMIN AT MINHYUN MGA MARS.
Jusko. Alas-tres nang madaling-araw nang tawagan ni Minhyun si Jihoon at sinabing nasa ospital sila ngayon at manganganak na raw si kumareng Jungmin.
Buti na lang gising pa kami ni Jihoon non dahil naglalaro pa kami.
Syempre nagmadali kami papuntang ospital. Sakto yung ospital na pinagdalhan kay Jungmin ay yung ospital ng nag-iisang Dr. Kim Wooseok na siya ring pinagtatrabahuan ko.
Inabutan na rin kami ng umaga kaya hindi na ako umuwi at diretso trabaho na. Buti na lang at wala rin ako masyadong pasyente. Sobrang kabado talaga ako, wala pa rin akong tulog. Jusme.
Si Jihoon nandoon sa opisina, pinatulog ko muna dahil pagod din.
Maya-maya, dumating na rin sila Jaenin, Hwayoung, Jinyoung at Yoonjung.
"Si Soojung?"
"Iniwan ko muna kay Jisung. Mamaya na sila pupunta dahil natutulog pa." sagot ni Jaenin.
Hindi naman makapunta agad si daddi Niel at daddi Ong dahil may mga trabaho rin. Pare-pareho kaming nasa med ang career kaya hindi namin basta-basta maiwan yung mga trabaho namin.
Sumunod din sila Sungwoon, Jaehwan, Daehwi, Woojin, at Hyorin.
"Anong balita?" tanong ni Daehwi.
"Wala pa, mars. Naghihintay pa rin kami."
"Jiyoung-ah, namumutla ka na." puna ni Woojin.
"Wala pang tulog yan eh. Kauuwi yata niya ng ala-una tapos alas-tres nandito na silang mag-asawa. Tapos diretso trabaho na siya."
"Ya, Jiyoung-ah. Magpahinga ka kaya muna. Wag kang masyadong kabahan. Kaya ni Jungmin yan." Minhyun reassured me.
Hindi niyo ako masisisi dahil ilang beses na akong nakawitness ng panganganak dito sa ospital na to. Marami sa kanila hindi pinalad. Maski ako nasasaktan kahit hindi ako involved.
Nagulat ako nang biglang umupo sa harapan ko si Woojin. Tiningnan ko lang siya.
"O gusto mo bitbitin kitang parang sako?"
Hindi na ako umangal pa at sumampa na sa likod niya.
"Ituro mo sa akin papuntang opisina mo." sabi niya habang naglalakad at pasan-pasan ako.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.