73

53 1 1
                                    

Jiyoung's

Hindi ko alam kung bakit ko naisipang lumabas eh anong oras na. Mayayari ako kay Jinyoung kapag naramdaman niyang wala ako sa tabi niya.

Sana hindi siya maalimpungatan.

Sorry na, nawawala na naman kasi ako sa sarili ko. :(

Hindi ko nga alam kung bakit ang dami-dami kong iniisip, eh wala naman akong isip. :(

Una, si Jihoon. Miss na miss ko na siya. Hindi pa rin siya nag-oonline kaya hindi ko makausap. Kapag naman tinatanong ko sila daddi, lagi rin daw wala sa dorm nila.

Pangalawa, tong si Joshua. May isang linggo na yata, idk I lost track of time, since yung message siya sa akin.

'Let me treat you as a princess you are.'

He really is an ideal man. Totoo yung naririnig kong sinasabi ng mga mag-aaral sa Pledis University na baliw na baliw sa kanila.

Sino ba naman kasing hindi mababaliw dyan sa mga yan. Visuals plus talents. They're known to be a self-producing group.

Balik tayo kay Joshua. Ayun, shookt lang ako sa kanya.

I passed by different places. Kaya maganda ring naglalakad kapag gabi hanggang madaling-araw eh. Ang peaceful ng mundo.

Meron lang talagang part na medyo maingay pa rin. U kno, night life.

And that's exactly where I am right now. Nagawi ako sa lugar na isang hilera ang mga club at bar. As expected, maingay, matao. Pero may kaisa-isang nakaagaw ng atensyon ko.

At hindi ako pwedeng magkamali.

Si Jihoon yun.

Teka, kelan pa nag-inom yun nang walang kasamang kahit sino sa Wanna One?

Hindi niya kasi ako isinasama noon dahil ayaw niya raw na mag-iinom ako. Kaya nagpapaalam lang siya sa akin.

Marahas kong pinunasan ang luhang kumawala na naman mula sa mata ko.

Ugh. Bakit ba naiiyak na naman ako. Grr. Epal.

I composed myself. Ngayong nakita ko na siya, I have to talk to him. I have to tell him everything. It's now or never.

Nagmadali ako papasok nung bar kung nasaan si Jihoon. Pero pagpasok ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Naunahan na pala ako.

Nakita ko si Yena na nakaupo na sa tabi ni Jihoon.

At mas lalo akong nadurog nang yumakap si Jihoon kay Yena. Oo, si Jihoon ang yumakap kay Yena. Niyakap lang siya pabalik ni Yena.

Teka, saglit lang naman. Masakit.

Gusto ko nang umalis doon pero ayaw nang magrespond ng katawan ko. Parang nageenjoy akong masaktan sa nakikita ng mga mata ko.

Hindi naman kasi kami naghiwalay. Pero bakit may ganito?

Hinihintay na lang niya kaya akong tapusin na lahat?

My mind got clouded by thoughts. Ayokong sumunod kila Hyorin at Guanlin, pero mukhang doon na rin kami papunta eh.

Nag-order ako ng isang bote ng soju. Hindi ko alam kung bakit ginusto ko pang dito magstay at mag-inom. Marami pang ibang lugar pero dito ako nagstay.

Hahaha, para akong tanga.

Umupo ako sa medyo tagong spot na makikita ko silang dalawa at hinintay yung inorder ko.

Napapangiti na lang ako nang mapait habang pinapanood ko silang magkwentuhan habang nakasandal si Yena sa balikat ni Jihoon.

Pagdating nung soju, binuksan ko na siya agad at nagsalin na sa baso. Iinumin ko sana nang biglang may pumigil sa braso ko.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon