54

87 4 18
                                    

Third Person's

Mga bandang hapon nung nanghila si Jiyoung ng kasama para lumabas.

Ang nahila niya, yung kapatid niya.

"Ang cute naman nilang dalawa." kinikilig na sabi nung mga nakakasalubong nila sa daan.

Cute sila as kambal?

"Ang cute naman nilang couple!"

Hindi po. As magjowa hehe.

Hindi naman kasi sila magkamukhang-magkamukha kaya hindi sila madistinguish na kambal.

"Mukha na naman tayong magjowa. Grr." napairap na lang si Jiyoung.

Hinawakan naman ni Jinyoung sa bewang yung kapatid niya at hinapit palapit pa sa kanya.

"Tama lang yan, para walang maglalakas-loob na lumapit sa'yo." nakasmirk na sagot ni Jinyoung.

Pahingi nga ng ganitong kuya hngg.

Pumunta sila sa isang field tapos humiga sa damuhan si Jiyoung.

Wao naman.

"Dito mo gustong pumunta?"

"Oo. Obvious ba?"

"Bakit? Anong trip mo?" humiga rin si Jinyoung sa tabi ng kapatid niya.

"Wala. Gusto ko lang ng damo." sagot ni Jiyoung.

"Sira ulo." natawa na lang si Jinyoung.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Jihoon hyung?" bahagyang napabangon si Jiyoung sa itinanong ng kapatid niya.

"Hindi. Bakit?" umiling lang si Jinyoung bilang sagot.

"Napapansin ko kasi si Yena nung mga nakaraan pa." napalingon si Jiyoung sa kapatid niyang nagsasalita.

"Hindi ako sigurado, pero mukhang nagkakagusto na siya kay hyung."

"O, tapos?"

"Wala, sinasabi ko lang. Gusto ko lang ipamukha sa'yong wala ka nang pag-asa kay hyung. Kawawa ka naman." tiningnan lang ni Jiyoung nang masama si Jinyoung na ngayon ay tumatawa.

"Di na kailangan ipamukha, Jinyoung. Mukhang-mukha ko na." sagot ni Jiyoung with matching sarcastic na ngiti.

Madilim na nung nag-aya si Jinyoung na kumain. Tuwang-tuwa naman tong bruhang Jiyoung dahil makakalibre siya ng pagkain.

Sa sobrang tuwa ni Jiyoung, nagtatakbo na siya papunta sa kakainan nila. Si Jinyoung naglalakad lang at nakasunod sa likuran niya.

Pero bigla siyang napatigil nang salubungin siya ng dalawang lalaki. Nakita naman yun ni Jinyoung kaya binilisan niya yung lakad niya at hinila agad si Jiyoung papunta sa likuran niya.

"Don't even dare lay a finger on her." banta ni Jinyoung.

Mukha namang naintimidate yung isa kaya medyo napaatras siya. Yung kasama niya parang gustong banatan si Jinyoung.

"Wag mo nang patulan, nagugutom na ako." bulong ni Jiyoung sa kapatid niya.

"Wala naman akong balak patulan sila. Pero kung magpupumilit sila, wala akong magagawa." sagot ni Jinyoung.

Hinila-hila ni Jiyoung yung kamay ni Jinyoung nung napansin niyang mas lumapit yung isang lalaki kay Jinyoung.

"Jin. Jin. Uy." pangungulit ni Jiyoung pero hindi siya pinapansin ng kapatid niya.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon